Naging emosyunal si Ai-Ai delas Alas, 56, dahil sa sorpresang ipinadala sa kanya ng asawang si Gerald Sibayan, 27, kahapon, September 12.
Ipinagdiriwang ng dalawa tuwing petsa dose ng bawat buwan ang kanilang monthsary.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Ai-Ai ang larawan ng bouquet of orange flowers na ipinadala sa kanya ng mister kahit nasa ibang bansa ito.
Sabi ng Kapuso star sa caption, naiyak siya sa ginawa ni Gerald dahil hindi nito nakakalimutan ang kanilang monthsary.
Nagpasalamat din siya sa Panginoon dahil bukod sa maayos ang kanilang pangangatawan, ibinigay pa Nito sa kanya ang asawa.
Sana raw ay hindi magbago si Gerald hanggang sa siya ay mawala sa mundo.
Lahad ni Ai-Ai, “Crayola akiz bakla ... pero na surprise ako grabe hindi mo nakakalimutan talagang bigyan ako ng flowers my darling tuwing monthsary naten ... salamat asawa ko happy monthsary ...
"and kanina nag pasalamat ako kay LORD .. bukod sa wala tayong covid binigay kannya saken ... sana wag ka mag bago hanggang sa expiration ko ... thank you darl miss na miss na kita ...”
Kasalukuyang nasa U.S. si Gerald para sa isang badminton tournament.
Badminton player ng De La Salle University si Gerald noong nakilala ito ni Ai-Ai halos walong taon na ang nakararaan.
Dagdag ng Kapuso actress-comedienne, “nasan si darl ba??? Nasa US si darl mag tournament sa badminton.. ingat ka parate dyan darl ... [heart emojis] (first time namin mag kahiwalay ng medyo matagal)
“@gerald_sibayan #badmintontournament #bandmintonusopen #mahiraptalagaLDR”
View this post on Instagram
Nagkomento si Gerald sa post ni Ai-Ai.
Mensahe nito, “i love you so much my wife @msaiaidelasalas i miss you happy monthsary [face blowing a kiss emojis]”
Tugon ni Ai-Ai, “@gerald_sibayan labyu my darling salamat sa walang kapantay mong pagibig”

Noong April 12, 2021 ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ikapitong taong anibersaryo.
Sina Ai-Ai at Gerald ay ikinasal sa Christ The King Church sa Green Meadows, Quezon City, noong December 12, 2017.
Unang inamin ni Gerald sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon nila ni Ai-Ai noong September 2014.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
