Naghayag na ng kanyang pananaw si Bianca Gonzalez sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang malapit na kaibigan at co-host sa Pinoy Big Brother na si Toni Gonzaga.
Ilang araw nang laman ng balita si Toni dahil sa panayam niya kay former Senator Bongbong Marcos para sa kanyang web show na Toni Talks sa YouTube.
Hindi kasi nagustuhan ng netizens ang hindi pagtanong ni Toni tungkol sa mga kontrobersiyal na isyu sa pamilya Marcos.
Reklamo ng ilang netizens, bakit daw kasi sa loob ng 28-minute interview niya kay Bongbong, hindi man lang niya inusisa ang mga mahahalagang isyung kinasangkutan ng kanyang pamilya.
Walang reaksiyon si Toni sa bashing sa kanya pero ni-repromote pa niya ang naturang interview sa kanyang Instagram Story.
May halos apat na milyon na itong views sa YouTube.
Kagabi, September 17, sa Instagram Story ni Bianca, sinabi nitong nakarating na sa kanya ang isyung kinasasangkutan ng kaibigan.
Marami raw kasi ang nag-tag sa kanya tungkol sa nasabing interview.
Saad niya, “Many of you have been tagging me. My stand has, ever since, been very public: #NeverForget and #NeverAgain.
“I might have even seen some of you at the rallies.”
May mga nagtanong na rin daw sa kanya tungkol sa isyu at nagtataka ang mga ito kung bakit tahimik lang siya.
Rason niya, bilang kaibigan, hindi naman daw kailangang i-call out publicly kapag may mga ganitong usapin.
Mas nanaisin daw niya ang makipag-usap in private at magkakaroon ng marespetong dayalogo.
Dagdag pa niya, “I've gotten messages asking, 'Bakit tahimik ka sa issue??'
"As a friend, I choose to reach out privately and dialogue respectfully, instead of 'call out' publicly.
"Because for me, that is what a true friend would do.”
Naniniwala rin daw siya na ang magkakaibigan at magkakapamilya ay may kanya-kanyang pananaw sa iba’t ibang usapin.
Ganunpaman, iginiit niya ang kanyang paniniwalang hindi bayani ang namayapang Pangulong Ferdinand Marcos.
Pagtatapos pa niya, “Even family and friends can have different views.
"My friends know that my stand has always been #MarcosNotAHero, and I will continue to be vocal and share my stand."

Ang ama ni Bongbong ay nanungkulan bilang Presidente sa loob ng 21 taon, mula 1965 hanggang 1986.
May mga reklamong human rights violations at corruption na hinarap ang administrasyon nito.
Tinagurian din itong diktador gawa ng batas militar na ipinatupad mula September 21, 1972 hanggang January 17, 1981.
Napatalsik ang diktadurya ni Marcos nang maganap ang makasaysayang EDSA Revolution o People Power Revolution noong February 1986.
