PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Billy Crawford reveals he knew about GMA-7 offer to Kim Atienza

Billy Crawford on Kuya Kim: "Bago siya lumipat, nag-ride kami."
by Rachelle Siazon
Published Oct 5, 2021
Billy Crawford (left) on Kim Atienza's transfer to GMA-7: "Kuya Kim is the most informative and most amazing host that you'll ever find sa industriya natin. Kaya nung sinabi niyang lilipat siya sa Seven, we were really happy for him. Marami kaming mga kabarkada at kaibigan diyan sa Seven as well."
PHOTO/S: @billycrawford / @kuyakim_atienza Instagram

Inamin ni Billy Crawford na isa siya sa mga unang nakaalam na may offer ang GMA-7 kay Kim Atienza, o mas kilala bilang Kuya Kim.

Nakausap ng editorial team ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy sa PEP Exclusives noong Martes ng hapon, October 4, 2021.

Si Billy ay kasalukuyang main co-host ng Lunch Out Loud, ang daily blocktime noontime program sa TV5.

Pahayag ni Billy, "Funny enough, bago siya lumipat, nag-ride kami. Ako, si Kuya Kim, si Direk Bobet. Mga ilan pang tao. Nag-breakfast kami.

"Dun nag-announce si Kuya Kim bago pa nag-announce sa publiko na ito nga yung desisyon niya to leave ABS-CBN and go with GMA."

Dating co-hosts sina Billy at Kuya Kim sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Naunang umalis sa noontime show si Kuya Kim noong 2016, at si Billy ay noon namang 2018.

Ang tinutukoy ni Billy na "Direk Bobet" ay si Bobet Vidanes, ang creative producer ng Lunch Out Loud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Bobet ay creator ng It's Showtime at director nito mula 2009 hanggang sa bago siya lumipat ng LOL noong November 2020.

Sa panayam ng PEP.ph, sinabi ni Billy na ikinatuwa nila ni Bobet at ibang mga kaibigan nang malamang may magandang oportunidad na inihain ang GMA-7 kay Kuya Kim.

Bilib si Billy sa galing ni Kuya Kim bilang resident weatherman ng TV Patrol, ang prime-time newscast ng ABS-CBN, at bilang trivia man sa Matanglawin, ang multi-awarded educational program ng Kapamilya network.

Kuwento ni Billy, "Alam mo, ngumiti kami and we were happy for Kuya Kim.

"Sa tagal-tagal niya sa ABS-CBN, pretty much iconic na si Kuya Kim pagdating sa weather, pagdating sa Matanglawin.

"Kuya Kim is the most informative and most amazing host that you'll ever find sa industriya natin.

"Kaya nung sinabi niyang lilipat siya sa Seven, we were really happy for him.

"Marami kaming mga kabarkada at kaibigan diyan sa Seven as well."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BILLY'S FULL SUPPORT FOR KUYA KIM

Buo raw ang suporta nila kay Kuya Kim sa kabila ng mga batikos ng ilang netizens sa paglipat nito ng network.

Lalo na't sa parte ni Billy ay naranasan din niyang mapulaan nang magsimula siya sa LOL noong October 2020, matapos ang labindalawang taon niya sa ABS-CBN.

Katuwiran ni Billy: "Siguro, I'm sure, hindi rin naman nawala ang TV5 sa pag-offer kung saan-saan para kay Kuya Kim.

"Pero at the end of the day, kailangan maintindihan ng tao na hindi tayo si Kuya Kim...

"All we can do is to support him because he knows what's right for him and his family.

"Kaya suportadung-suportado namin si Kuya Kim, and I'm sure magra-ride kami pag magaling na ako."

Sinisipon kasi si Billy nang makapanayam ng PEP Team, dahil nahawa raw siya sa one-year-old son na si Amari.

Nagpaunlak ng panayam si Billy para sa bagong season ng LOL, kunsaan naghanda raw ang show ng "milyun-milyong prizes" sa kanilang game segments.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

KUYA KIM values billy's advice

Nitong Martes, October 5, nakapanayam ng PEP.ph si Kuya Kim sa una niyang virtual mediacon bilang Kapuso.

Kinumpirma niyang magkasama silang nag-motor ng grupo nila nina Billy at Bobet para mag-almusal sa Tagaytay.

Noong panahong iyon ay wala pa raw siyang pinal na desisyon sa paglipat niya sa GMA-7.

Lahad ni Kim, "Shinare ko sa kanila ang aking pinagdadaanan. Pinagdadaanan pa lang nun, e. Wala pang final answer.

"At ang advice nila sa akin noon, 'Kuya Kim, napakasuwerte mo diyan sa desisyon mo sa papasukan mong istasyon.'

"Natuwa silang pareho para sa akin. Yun, nag-bonding kami."

Naniniwala raw si Billy na magandang oportunidad na maipakita niya ang kanyang talento bilang mamamahayag.

"Sinabi nila, 'Wow, yung maalok ka ng Channel 7, ang laking bagay niyan Kim. Kung alam mo lang kung gaano kahirap magkaroon ng ganyang break.'

"Si Billy kasi mas beterano sa akin sa larangan ng showbiz. Batang musmos pa lang kinakandong na ni Kuya Germs iyan sa That's Entertainment, Monday to Friday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi niya, 'That break is just so good, and you really have to take it.'

"Yun din ang sinabi ni Direk Bobet sa akin."

Si Billy ay nagsimula bilang child star sa That's Entertainment, ang sikat na youth-oriented show sa GMA-7. Ang host ng That's ay ang pumanaw na Master Showman na si German Moreno o Kuya Germs.

Sa huli, binanggit ni Kuya Kim sa PEP.ph na inaanak niya sa kasal ang mag-asawang Billy at Coleen Garcia bukod sa dating co-hosts niya ang mga ito sa It's Showtime.

Dagdag ni Kuya Kim, "Bagamat ang sirkumstansiya ng aming paghihiwalay sa aming former station ay magkaiba, ipakuwento niyo na lang kay Billy paano nangyari yung sa kanya.

"Happy din naman siya dun sa kanyang desisyon. Meron siyang mga show dun sa kabila.

"Billy's an artist also. He wants people to watch him."

Una nang naiulat ng PEP.ph ang pahayag ni Kuya Kim na bilang broadcaster, naniniwala siyang bahagi ng "purpose at passion" niya ang maipaabot ang kanyang craft sa malawak na audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito raw ang dahilan ng kanyang paglipat sa GMA-7, na binigyan siya ng tatlong programa na sisimulan niya sa susunod na linggo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford (left) on Kim Atienza's transfer to GMA-7: "Kuya Kim is the most informative and most amazing host that you'll ever find sa industriya natin. Kaya nung sinabi niyang lilipat siya sa Seven, we were really happy for him. Marami kaming mga kabarkada at kaibigan diyan sa Seven as well."
PHOTO/S: @billycrawford / @kuyakim_atienza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results