PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yen Santos breaks Instagram silence

Yen Santos posts on Instagram Story since involvement in LJ-Paolo split.
by Bernie V. Franco
Published Oct 11, 2021
Yen Santos makes an Instagram Story since her last post almost two months ago and since she erased all her Instagram posts last month. Yen is still mum about her rumored romantic involvement with Paolo Contis, who broke up with LJ Reyes.
PHOTO/S: @lj_reyes, @paolo_contis on Instagram

I Sa wakas ay nagparamdam na si Yen Santos sa social media mula nang pumutok ang kontrobersiya tungkol sa pagkakaugnay nila ng aktor na si Paolo Contis.

Halos dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang huling mag-post si Yen sa Instagram.

Noong Agosto, ipinromote niya ang pelikula nila ni Paolo, ang A Faraway Land.

Noong August din ay malaking balita ang pagkakaugnay ni Yen kay Paolo, kasunod ng breakup ng aktor at ng long-time partner nitong si LJ Reyes.

Pero kapansin-pansing sa buong kasagsagan ng kontrobersiya ay piniling manahimik ni Yen. Nanahimik siya maging sa social media.

Makalipas ang halos dalawang buwan, ngayong Lunes, October 11, 2021, nagparamdam si Yen sa pamamagitan ng isang Instagram Story.

Nag-post siya ng larawan ng dalawang recent books ni Alex Michaelides, isang British-Cypriot best-selling author.

Ang dalawang libro ni Alex—The Silent Patient (2019) at The Maiden (2021)—ay parehong murder-mystery novels.

Ang tanging caption ni Yen (published as is), “can’t wait to start reading these two books”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila nito, walang anumang Instagram post si Yen matapos mapaulat noong September 23, 2021 na binura niya lahat ng kanyang previous Instagram posts.

Napaulat noong August na nag-zero following si Paolo sa Instagram, kaya nagkasuspetsang break na sina Paolo at LJ.

Nadiskubre rin noon na zero following si Yen, at nagkaroon ng espekulasyon kung may namamagitan sa kanila ni Paolo at pareho silang nagpo-promote ng kanilang pelikula sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

August 23, kinumpirma ni Lolit Solis, talent manager ni Paolo, na break na nga sina Paolo at LJ.

September 9, 2021, nakipag-ugnayan ang PEP.ph sa isang nagpakilalang kaibigan ni Yen.

Sabi nito, ayaw mag-react ni Yen sa pagkakadawit niya sa Paolo-LJ breakup, pero labis daw apektado ang aktres.

update on paolo contis and lj reyes

Sa kabilang banda, higit isang buwan na ang nakalilipas mula nang huling magparamdam si Paolo Contis sa kanyang social media accounts—Instagram at Facebook.

Ang huling post niya ay ang kanyang official statement noong September 8, 2021.

Nagbigay rito ng pahayag si Paolo tungkol sa paghihiwalay nila ni LJ at paliwanag sa paparazzi shots nila ni Yen.

Dumepensa si Paolo ukol sa mga lumitaw na kuhang larawan nila ni Yen sa Baguio.

Aniya, inimbitahan niya si Yen sa Baguio para damayan siya “as a friend.”

Samantala, kapansin-pansing si LJ ang mas recent ang pagpaparamdam sa social media.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinimulang mag-post uli ni LJ noong September 12, 2021, nang dumalo siya sa New York Fashion Week.

Kasalukuyang nasa U.S. si LJ kasama ang dalawang anak na sina Aki at Summer.

Aktibo rin si LJ sa pagpo-promote ng kanyang business na hygiene essentials products sa pamamagitan ng Instagram at Facebook.

Kabilang na rito ang YouTube interviews niya sa mga nanay, bilang bahagi ng campaign ng kanyang produkto na ang target audience ay mga nanay.

At this writing, ang huling post ni LJ ay noong October 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yen Santos makes an Instagram Story since her last post almost two months ago and since she erased all her Instagram posts last month. Yen is still mum about her rumored romantic involvement with Paolo Contis, who broke up with LJ Reyes.
PHOTO/S: @lj_reyes, @paolo_contis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results