PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta on “pagkabastos at pagkawalang disente” of trolls

Sharon urges Filipinos to vote for the right leaders in the 2022 elections.
by Arniel C. Serato
Published Oct 15, 2021
Sharon Cuneta: “Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang. Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon—yung hindi tinatawag ang Diyos na ‘STUPID.’"
PHOTO/S: Courtesy: Sharon Cuneta on Facebook

Ikinadismaya ni Sharon Cuneta ang pag-atake ng "trolls" sa kanyang Facebook post kahapon, October 13.

Nag-post ang Megastar ng larawan nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan, na tumatakbong presidente at vice presidente, respectively, sa 2022 elctions.

Si Kiko ay asawa ni Sharon.

Ayon sa singer-actress, inasahan na niya ang pag-atake ng trolls oras na may ibahagi siya tungkol sa tambalan ng asawa at ni Vice President Robredo.

Isinisi ni Sharon sa kasalukuyang administrasyon ang kulturang umiiral ngayon sa social media kung saan lantaran ang "pagkabastos at pagkawalang disente" ng marami.

Malayo raw ito noong panahong nirerespeto ng bawat isa ang paniniwala ng iba.

Saad ng Megastar: “I posted this on my Facebook page just now:

“I was already expecting lots of trolls and haters to descend on this page once i posted about VP Leni and Kiko.

“Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino.”

Tanong pa niya: “Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t-isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo?

“Nasaan na ang tunay na bayanihan? Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na.

“Magkakitaan na lang sa kung sinu-sino ang mahalal. Ngayon, ganito na - bastusan. Yan ang dapat ma-erase.”

DECENCY

Umaasa ang beteranang mang-aawit at aktres na maibalik ang aniya’y pagkadisente ng mga Pilipino na may takot sa Diyos.

Hinikayat niya rin ang kanyang followers na piliin ang mga pinunong may takot sa Diyos at hindi ang mga walang paniniwala sa Panginoon.

Aniya, “Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang. Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon—yung hindi tinatawag ang Diyos na ‘STUPID.’

“Ang walang paniniwala sa Panginoon ay nakakatakot mamuno, dahil ang diyos niya ang ang sarili niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala mang binanggit na pangalan si Sharon, mahihinuhang ang kanyang tinutukoy ay si President Rodrigo Duterte na tinawag na "stupid" ang Diyos sa isang talumpati nito noong 2018.

Hinikayat din ni Sharon ang netizens na bumoto ng mga tamang tao sa susunod na halalan.

Nabanggit din niya ang kasalukuyang kontrobersiya sa COVID-19 response na iniimbestigahan ng senado.

Sabi niya, “Pumili kayo ng mga walang bahid ng korupsyon, may tapat na hangaring makapaglingkod at protektahan tayo.

“Hindi yung wala na ngang trabaho ang mga kababayan natin, gutom na wala pang ayuda, ang bakuna kulang na nga pinababayaran pa—pero ang mga di makasagot kung saan na napunta ang bilyong-bilyong piso na napunta sa Pharmally pero kitang-kita ang mga magagarang sasakyan at biglang pagyaman ng mga kasali diyan, yun ang pinagtatakpan at pinoprotektahan.”

Udyok pa niya sa taong bayan: “Magising na po tayo. Di na makausad ang Pilipinas! Tama na ang pambobola sa atin. Tama na ang pinagtatawanan ang Pilipino ng mundo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Naway tulungan tayo ng Panginoong Diyos. God bless us all po!”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: “Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang. Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon—yung hindi tinatawag ang Diyos na ‘STUPID.’"
PHOTO/S: Courtesy: Sharon Cuneta on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results