Bugoy Cariño assures EJ Laure of his love after volleyball player amid bashing

by Arniel C. Serato
Nov 7, 2021
Bugor Carino love for EJ Laure
Bugoy Cariño on partner EJ Laure: "AT LEAST SI EJ, MARUNONG SA MGA GAWAING BAHAY, MADISKARTE, HIGIT SA LAHAT LOYAL."
PHOTO/S: Courtesy: @iambugoycarino03 on Instagram

Nangako si Bugoy Cariño, 19, sa kanyang partner na si EJ Laure, 24, na kahit ano man ang sabihin ng iba sa ina ng kanyang anak ay hindi maaapektuhan ang kanilang pagmamahalan.

Sa Instagram kahapon, November 6, sinigurado ni Bugoy sa followers niya na nagmamahalan at masaya sila ni EJ sa isa’t isa.

Mensahe niya, “Kahit ano man sabihin saten ng iba, ang mahalaga nagmamahalan at masaya tayo sa isat isa. [heart emoji]”

Kalakip nito ang tatlong larawan nila ni EJ na kuha sa kanilang bakasyon sa isang resort sa Pansol, Laguna.

Sa kanyang panig, ibinahagi naman ni EJ sa kanyang Instagram Story ang post ni Bugoy.

Wala siyang inilagay na caption dito.

EJ Laure post

Continue reading below ↓

Nag-ugat ang post ni Bugoy sa paninira ng netizens kay EJ sa kanilang TikTok video noong Biyernes, November 5.

Inalmahan ng dating child actor ang mapanirang komento ng netizens.

Komento ni Bugoy (published as is): “MUKHA DAW BAKLA, MUKHANG NANAY, WALA DAW LAMAN PARANG PADER DAW. OK NA YUNG GANYAN KESA NAMAN SA IBANG BABAE NA PURO GANDA AT LAKI NG OSUS LANG LABAN.”

Dagdag pa niya, “SA PANAHON NGAYON, ‘DI MO KELANGAN MAGJOWA NG MATSURA O MALAKI COCOMELON, MAS MASARAP MAHALIN 'YUNG MADISKARTE AT HINDI MAARTE, SIYEMPRE LOYAL.

“AT LEAST SI EJ, MARUNONG SA MGA GAWAING BAHAY, MADISKARTE, HIGIT SA LAHAT LOYAL.

“BAKA UNG MGA NAG COCOMMENTS DYAN UNG MGA NIYO WALANG ALAM SA BUHAY.”

May isang anak na sila ni Bugoy at EJ, si Scarlet.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Cariño on partner EJ Laure: "AT LEAST SI EJ, MARUNONG SA MGA GAWAING BAHAY, MADISKARTE, HIGIT SA LAHAT LOYAL."
PHOTO/S: Courtesy: @iambugoycarino03 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results