Bugoy Cariño on partner EJ Laure: “Sometimes you fall in love with the most unexpected person.”

by Arniel C. Serato
Mar 19, 2021
Bugoy Cariño on picture with partner EJ Laure: "Dito palang panalo na ako."
PHOTO/S: Courtesy: @iambugoycarino03 on Instagram

Muling pinatunayan ni Bugoy Cariño, 18, na age doesn’t matter sa relasyon nila ng volleyball star na si EJ Laure, 23.

Sa kanyang Instagram kahapon, March 18, nag-post si Bugoy ng larawan nila ng partner na suot ang magkaparehong basketball jersey.

Makahulugang caption ng dating child star: “Sometimes you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time."

Naka-tag dito si EJ.

IG post: Bugoy Carino sweet message for partner EJ Laure

Continue reading below ↓

Ni-repost ito ni EJ sa kanyang Instagram Stories.

Nakalagay sa kanyang caption: “I love you so much @iambugoycarino03.”

IG Story: EJ Laure reposts Bugoy message

Noong March 8, nag-post din si Bugoy ng twinning photo nila ni EJ kung saan blue jersey naman ang suot nila.

Saad ng dating Hashtags member sa caption, “Dito palang panalo na ako @ennajielaure

Continue reading below ↓

IG post: Bugoy Carino throwback photo with EJ Laure

BUGOY-EJ RELATIONSHIP

Noong unang bahagi ng 2018 ay kumalat ang usap-usapang dalawang miyembro ng Hashtags ang nakabuntis. Ito raw ang dahilan kaya suspendido ang mga ito sa It’s Showtime.

Kalaunan, lumutang ang mga pangalan nina Bugoy at Jon Lucas.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 13, 2018, tila nadulas si Jameson Blake at kinumpirmang suspended indefinitely ang mga kasamahan niya sa Hashtags sina Bugoy at Jon.

Continue reading below ↓

Inamin ni Jon kalaunan ang balitang isa na siyang ama at kasal na sila ng kanyang childhood sweetheart.

Pero sa isang mediacon noong November 9, 2019, pinabulaanan ni Bugoy ang balita tungkol sa kanya.

Sabi pa niya noon, “Bakit ko naman po idi-deny?

“Kung meron man po, e, di sana inilabas ko na sa social media. Yung girlfriend ko po, nilalabas ko po sa social media."

Sa hiwalay na panayam, pinabulaanan din ni EJ na nagdadalantao siya at ang ama ng kanyang dinadala ay ang menor de edad pa noong si Bugoy.

Nineteen years old noon si EJ, at 15 lamang si Bugoy.

Mukhang hinintay talaga ni Bugoy na tumuntong siya sa edad na 18 para amining isa na siyang ama.

Ginawa niya ito sa kanyang ika-18 kaarawan noong September 3, 2020.

Noong panahong iyon, ipinakilala nila ni EJ sa Instagram ang anak nilang si Baby Scarlet.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Cariño on picture with partner EJ Laure: "Dito palang panalo na ako."
PHOTO/S: Courtesy: @iambugoycarino03 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results