Did Paolo Contis and Yen Santos exchange messages on Instagram Stories?

by Arniel C. Serato
Nov 9, 2021
Paolo Contis Yen Santos Instagram Stories "floss" post
Did rumored couple Paolo Contis and Yen Santos exchange thoughts on their Instagram Stories?
PHOTO/S: Courtesy: @paolo_contis on Instagram / Yen Santos on Facebook

Nagkataon lang ba o talagang nagpalitan ng mensahe sa Instagram Stories ang rumored couple na sina Paolo Contis at Yen Santos?

Ilang araw na ang nakararaan, nag-post ng kanyang selfie si Yen sa kanyang Instagram Story.

Kalakip nito ang caption na “do you floss though? [grinning face with smiling eyes emoji]”

Yen Santos do you floss Instagram post

Continue reading below ↓

Kahapon, November 8, si Paolo naman ang may “floss” post sa kanyang Instagram Story.

Kasama ang isang selfie, parang sinagot ng Kapuso actor ang tanong ng Kapamilya actress.

Sabi ni Paolo sa caption, “Nag suklay, pero di nag floss.. (face with tears of joy emoji).”

Paolo Contis Instagram floss post

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Yen tungkol sa pagkakadawit niya sa hiwalayang Paolo at LJ Reyes.

Si Yen ang itinurong third party sa hiwalayan nina Paolo at LJ.

Ayon sa isang source na malapit sa aktres, labis daw itong naapektuhan sa intrigang ipinupukol sa kanya.

Sabi naman ni Paolo, magkaibigan lamang sila ng aktres na nakasama niya sa pelikulang A Faraway Land.

May mga naglabasang paparazzi photos at videos na tinukoy ng netizens na sina Paolo at Yen.

Sa pahayag ni Paolo noong September 8, kinumpirma ng Kapuso actor na si Yen nga ang babaeng kasama niya na nagsimba sa Pangasinan at nagkape sa Baguio.

Pero mariin niyang itinangging may kinalaman si Yen sa paghihiwalay nila ni LJ.

Niyaya raw niya si Yen sa Baguio “as a friend.”

Sa isang Instagram post, sinabi ng manager ni Paolo na si Lolit Solis na kaya nagpasama si Paolo kay Yen sa Baguio ay dahil masarap itong kausap at para itong “mother figure” sa aktor.

Continue reading below ↓

Ngunit duda ang maraming netizens sa pahayag ni Paolo, at hindi sila naniniwalang walang kinalaman si Yen sa hiwalayan.

Si LJ ay kasalukuyang nasa New York sa Amerika, kasama ang kanyang dalawang anak.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did rumored couple Paolo Contis and Yen Santos exchange thoughts on their Instagram Stories?
PHOTO/S: Courtesy: @paolo_contis on Instagram / Yen Santos on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results