Paolo Contis spotted HHWW with mystery woman after breakup with LJ Reyes

by Rachelle Siazon
Sep 3, 2021
Two weeks after word got out about Paolo Contis's breakup with LJ Reyes, the Kapuso actor was reportedly sighted holding hands with a mystery woman at a street around the area of Manaoag Church in Pangasinan.
PHOTO/S: CTTO via TikTok

Muling namataan si Paolo Contis kasama ang isang mystery woman na nauugnay sa kanya.

Ngayong Biyernes, September 3, isang TikToker ang naglabas ng video kunsaan makikitang magkahawak-kamay ang isang babae at isang lalake na naglalakad sa kalye.

Parehong nakasuot ng face mask at face shield ang babae at lalake.

Mahaba ang buhok ng babae na nakasuot ng shorts at long-sleeved shirt na kulay itim at may manggas na kulay dilaw.

Continue reading below ↓

Ang lalake ay nakasuot ng puting shorts at gray na T-shirt.

Ayon sa TikToker, nakunan niya ang video sa kalye sa Manaoag Church sa Pangasinan.

Maintrigang caption ng TikToker, "Sino kaya tong nakita namin sa manaoag church?"

Dagdag pa ng TikToker, "nung August 27 pa yan."

Continue reading below ↓

Hindi man pinangalanan ng TikToker kung sino ang lalake at babae na nasa video, makikita sa comments section na hinihinala nilang si Paolo ang lalake.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin din ang lettering design tattoo sa lower left arm ng lalake.

Tugma iyon sa puwesto ng lettering design tattoo sa lower left arm ni Paolo.

Continue reading below ↓

Hindi rin nakaligtas sa mapanuring netizens na ang sandals na suot ng lalake sa viral video ay kapareho ng sandals ni Paolo.

Continue reading below ↓

STOLEN PICTURE OF PAOLO AND MYSTERY WOMAN IN BAGUIO.

Kahapon, September 1, unang kumalat sa social media ang litrato ni Paolo na sinasabing kuha sa Baguio.

Stolen shot ang mga litrato pero matutukoy na si Paolo ang lalake dahil naka-sideview ito at kita ang bahagi ng mukha ng aktor.

Sa litratong iyon, nakasuot si Paolo ng gray shirt at white shorts.

Isang source na nagpakilalang tiga-Baguio ang nagpaabot sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kumakalat na litrato ni Paolo kasama ang mystery woman.

Sinabi ng source na noong "Biyernes, August 27" ay "sure na sure" siyang nakita niya si Paolo sa cozy restaurant na iyon sa Baguio.

Nabanggit din ng source na dati nang nagpupunta ang babae sa restaurant na iyon.

"Super sweet nila," obserbasyon pa ng source.

Pero dahil nakatalikod ang babae sa litrato, at walang malinaw na kuha ito, sa ngayon ay walang kumpirmasyon kung sino ito.

Continue reading below ↓

Tila tugma ito sa ibang nagsasabing nakakita umano kay Paolo sa Baguio.

Isang netizen ang nagkomento tungkol sa viral picture, na may kakilala siyang staff member sa restaurant, at siya umanong nagsilbi kay Paolo at sa kasama nitong babae.

PAOLO'S BREAKUP WITH LJ REYES

Noong August 19, pumutok ang balitang hiwalay na sina Paolo at longtime partner nitong si LJ Reyes.

Continue reading below ↓

In-unfollow ni Paolo si LJ at binura rin ng aktor ang lahat ng litrato ng aktres sa Instagram feed niya. Zero following na rin si Paolo.

Nadawit sa isyu ang A Faraway Land leading lady ni Paolo na si Yen Santos.

Pero noong August 22, pinabulaanan ng co-talent manager ni Paolo na si Lolit Solis ang isyu ng third party.

Wala rin daw katotohanan na si Yen ang third party sa hiwalayan ng couple.

what lj said about breakup with paolo

September 1 nang kumpirmahin ni LJ na Agosto nang maghiwalay sila ni Paolo. Base ito sa eksklusibong panayam ni Boy Abunda.

Sa isang bahagi ng panayam, sinabi ni LJ na may source na nagsumbong sa kanya tungkol sa "sightings" kay Paolo sa kung saan-saang lugar.

Pero nang kumprontahin daw niya si Paolo, todo-deny ang aktor.

Sinabi ni Paolo kay LJ na paano naman siya mamumukhaan kung sa tuwing siya ay lalabas ay nakasuot siya ng face mask at face shield.

Continue reading below ↓

Iginiit din daw ni Paolo na alam naman ni LJ ang mga lugar na pinupuntahan niya.

Kakatwang isang nakabibinging katahimikan ang pahayag ni LJ nang diretsahan siyang tanungin kung may kinalaman sa pera at third party ang breakup nila ni Paolo.

Sinubukan ng PEP Troika na hingan ng pahayag si Paolo ukol sa mga nabitiwang salita ni LJ, pero tumangging magkomento ang aktor.

Ang tanging malinaw ay alam ni Paolo ang tungkol sa pagpunta ni LJ sa New York kasama ng dalawang anak.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two weeks after word got out about Paolo Contis's breakup with LJ Reyes, the Kapuso actor was reportedly sighted holding hands with a mystery woman at a street around the area of Manaoag Church in Pangasinan.
PHOTO/S: CTTO via TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results