Actor-director David Chua puzzled by lack of support from celebrities for Isko Moreno's presidential bid

by Jojo Gabinete
Nov 12, 2021
david chua isko moreno
David Chua on all-out support for Mayor Isko Moreno's presidential bid: "Nung sinabi ni Mayor Isko na tatakbo siyang presidente ng Pilipinas, kung nagawa niya sa Manila yun, puwede niyang gawin sa buong bansa. Dahil kapag mayor ka ng Maynila, parang ikaw na rin ang pangalawang presidente ng Pilipinas."
PHOTO/S: @daviduychua on Instagram

Hindi ikinahihiyag aminin ng Filipino-Chinese-German actor na si David Chua na nakaranas siya ng kahirapan at mga pagsubok sa panahon ng coronavirus pandemic.

Pero ito rin ang nagbukas sa kanya ng malaking oportunidad na natanggap niya mula sa broadcast journalist na si Korina Sanchez.

Kaibigan ni Korina ang ina ni David na si Lucy Chua, na sumakabilang-buhay noong January 2019. Si Korina ang nag-alok sa aktor para maging isa sa mga segment director ng kanyang programa sa TV5, ang Rated Korina.

Walang formal education si David sa pagiging direktor ng mga TV show, pero nakita ni Korina ang kanyang potensiyal dahil sa mga impressive video na ipinu-post ng aktor sa mga social media account nito.

Si Korina ang dahilan kaya nakilala ni David nang personal si Manila Mayor Isko Moreno, na tulad niya ay nagmula rin sa Tondo.

improvements IN MANILA

Si David ang direktor sa tatlong beses na panayam ni Korina kay Isko para sa Rated Korina kaya nakita raw niya ang mga proyekto ng Manila mayor na napapakinabangan ng mga mamamayan ng lungsod nila.

Continue reading below ↓

david chua isko moreno korina sanchez

David Chua with Mayor Isko Moreno and Korina Sanchez

Saad ni David sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Three times naming nainterbyu si Mayor Isko sa Rated Korina. Ipinakita niya sa amin yung mga police car na state of the art.

“Ipinakita niya yung mga malalaking ambulance na kanyang binili, parang nasa Amerika ka.

Continue reading below ↓

“Ipinakita niya yung ospital para sa COVID -19 patients na ipinagawa niya sa Quirino Grandstand, pati ang mga air-conditioned school na lahat may iPad ang mga estudyante na walang babayarang tuition fees.

“Mula noon, eye-opener sa akin yun. Ramdam ko kasi tagaroon ako. Kung talagang taga-Manila ka, alam mo yung camaraderie, yung pagtutulungan, at ang ibig sabihin ng pakikisama.

“Walang halong bola, pero nakita at naramdaman ko na talagang may mga nagbabago na maganda sa Maynila.”

Kummer ang tunay na family name ni David dahil sa kanyang estranged German father.

Walang matibay na relasyon si David sa biological father niya dahil iniwanan nito ang kanyang ina noong bata pa lamang siya.

Ang family name ng nanay niyang Chua ang ginamit ni David na screen name bilang pagpupugay sa kanyang mahal na ina.

BATANG TONDO

Isinilang at lumaki sa Tondo si David kaya alam nito ang mga negatibong impresyon ng ibang mga tao, na hindi niya masisi dahil naging biktima rin siya ng krimen sa sariling lugar nila.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “Tatlong beses akong na-holdup sa lugar namin. Tinutukan ako ng kutsilyo, kinuha ang cell phone at ang rubber shoes ko kaya naglakad ako nang nakapaa pauwi sa bahay namin.

“Naranasan na rin naming pinasok ng magnanakaw ang aming bahay. Kaya noon, kapag sinabi mo na nakatira ka sa Tondo, ang unang dating sa mga tao, mahirap na lugar.

“Ang iniisip nila, delikado diyan, maraming mga snatcher, mamamatay-tao. Parang ganoon ang perception sa Tondo.

“Nang maupo si Mayor Isko sa puwesto, nagulat ako dahil magaganda ang mga sinasabi ng kapatid ko.

“Nakatira ako noon sa BGC [Bonifacio Global City, Taguig City] at nang kumustahin ko ang kapatid ko tungkol sa pag-uwi niya sa bahay namin sa Tondo mula sa kanyang trabaho, ang sabi niya may tanod sa bawat kanto at may mga pulis na nagroronda.

“Ang feeling ko, safe ako ngayon, hindi katulad before na ang dilim-dilim ng kalsada sa Maynila tapos walang mga nakabantay."

Continue reading below ↓

SUPPORT FOR ISKO

Naniniwala si David na kung ano ang nagawa ni Mayor Isko sa Maynila ay magagawa rin nito sa buong Pilipinas.

Saad niya, “So, nung sinabi ni Mayor Isko na tatakbo siyang presidente ng Pilipinas, kung nagawa niya sa Manila yun, puwede niyang gawin sa buong bansa.

"Dahil kapag mayor ka ng Maynila, parang ikaw na rin ang pangalawang presidente ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

“Ganoon kahirap i-handle ang Manila, at sinabi ito noon ni former Manila City Mayor Joseph Estrada, ‘Mas mahirap maging mayor ng Manila kesa maging presidente ng Pilipinas.’

“Ang titigas ng ulo ng mga taga-Maynila. Hindi mo matuturuan ang old dogs ng new tricks.”

Iniwanan na ni David ang kanyang nirerentahang condominium sa Taguig City dahil bumalik na siya sa tahanan nila sa Tondo.

Kung may ipinagtataka raw ngayon si David, ito ay ang kanyang mga kapwa-artista na tila natatakot lumantad at ipamalas sa publiko ang suporta nila kay Isko.

Active si David sa social media kaya nakikita niya ang overwhelming support kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo ng mga tagapagtaguyod nitong artista.

Pahayag niya, “Si Ma’am Leni Robredo, nakikita ko na marami ang nagpo-post sa social media tungkol sa kanya. Vocal sila sa pag-support sa kanya.

“So, nagtataka ako. Bakit parang kay Mayor Isko, wala masyado? Hindi ko ramdam.

Continue reading below ↓

"Bakit parang takot yung mga kapwa ko artista na mag-post tungkol sa kanya? Natatakot ba silang magbigay ng damdamin kung sino ang presidential aspirant na susuportahan nila? Bakit?

“Tama ba na kung magkakaiba ang presidente na susuportahan natin, hindi na tayo magkakasundo?

“Di ba, dapat respetuhan lang tayo? Kasi sa social media, bastusan na! May mga 'IskoR Moreno, Bongbong Magnanakaw…'

“Normal ‘yan dahil democratic country tayo, pero nasisira yung mga pagkakaibigan."

Asam ni David, "Sana matanggal yung ganoong klase ng kultura. Ang gusto naman nating lahat, para sa ikagaganda at ikauunlad ng Pilipinas."

Dagdag pa niya, “Maliban sa mga kasamahan niya [Isko] noon sa That’s Entertainment, wala akong ibang artista na alam na, openly, sumusuporta kay Mayor Isko.

"Kapag tinatanong ko sila, ang sagot nila, wala pa raw silang kandidato na napipili."

Sa pananaw niya, bakit hindi lumalantad ang mga artistang sumusuporta kay Isko?

“Sa palagay ko, gusto nila si Ma’am Leni dahil ang tingin nila, mabubuksan ang ABS-CBN kapag siya ang nanalo,” mabilis na sagot ni David.

Continue reading below ↓

“Nanggaling ako sa ABS-CBN, fifteen years ako doon, halos half of my age.

“Sino ba ang ayaw na magbukas ang ABS-CBN? Sino ang may ayaw na magkaroon tayo uli ng trabaho?

"Pero yun lang ba ang hangarin ng mga kapwa ko artista, ang mabuksan ang ABS-CBN?

“Of course, gustung-gusto ko na mabuksan ang ABS-CBN, pero gusto ko na mas marami pa ang magagawa.

“Hindi ko sinasabi na walang magagawa si Ma’am Leni, ang sinasabi ko lang, sa nakikita ko, maraming proyekto, trabaho, at kilos na ginagawa si Mayor Isko.”

Inihanda na raw ni David ang sarili mula sa mga batikos na matatanggap niya dahil sa kanyang personal na opinyon at obserbasyon.

Aniya, “Handa naman tayo dahil parang profession na ng iba na mag-bash ng kapwa. Wala naman taong perpekto.

“Hindi ako perfect, puwede akong i-bash, pero at least, makikita ko kung tama ba o hindi ang mga sinasabi ko.

"Yun ang paninindigan ko so ready ako sa bashing."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Chua on all-out support for Mayor Isko Moreno's presidential bid: "Nung sinabi ni Mayor Isko na tatakbo siyang presidente ng Pilipinas, kung nagawa niya sa Manila yun, puwede niyang gawin sa buong bansa. Dahil kapag mayor ka ng Maynila, parang ikaw na rin ang pangalawang presidente ng Pilipinas."
PHOTO/S: @daviduychua on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results