Direk Cathy Garcia Molina asked to comment on John Lloyd Cruz, Bea Alonzo's transfer to GMA-7

by Melba R. Llanera
Nov 14, 2021
Cathy Garcia-Molina with former Kapamilya stars John Lloyd Cruz and Bea Alonzo
Kapamilya box-office director Cathy Gacia-Molina on good terms with John Lloyd Cruz and Bea Alonzo: "Mga two months ago nakapag-usap pa kami ni Lloydie. Si Bea a little before that. We're good."
PHOTO/S: Noel Orsal for PEP.ph / GMA Network / @beaalonzo

Aminado si Direk Cathy Garcia-Molina na nakaramdam man siya ng lungkot ay naiintindihan niya ang desisyon nila John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na lumipat ng Kapuso network.

Si Direk Cathy ang blockbuster director sa likod ng mga blockbuster movies nina John Lloyd at Bea tulad ng One More Chance (2007), Miss You Like Crazy (2010), at The Mistress (2012), at A Second Chance (2015).

Si Bea ay lumipat bilang exclusive star ng GMA-7 noong July 1.

Si John Lloyd ay pumirma ng partnership agreement sa GMA-7 para sa TV comeback niya matapos ang limang taong break sa mundo ng showbiz.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Direk Cathy na nanatiling on good terms siya sa dalawang dating ABS-CBN stars.

"May lungkot pero at the same time naiintindihan ko and at the same time kanya-kanya tayo ng pinagdadaanan.

"Di ko naman alam ang pinagdadaanan nila that led them to decide that way.

Continue reading below ↓

"Anyway, I respect that decision," pahayag ng resident Kapamilya director.

Tinanong namin si Direk Cathy kung may tsansa pa na mai-direk niya sila John Lloyd at Bea, lalo pa't kumita ang lahat ng pelikula na ginawa nilang tatlo.

"If nandun ang Star Cinema sa pelikula, yes, walang problema. Kaya lang ABS, Star Cinema ako," sabi ni Direk Cathy.

Bukas naman ang komunikasyon sa pagitan nilang tatlo.

Dagdag niya: "Mga two months ago nakapag-usap pa kami ni Lloydie. Si Bea a little before that. We're good.

"Nami-miss? Oo naman, pero nandun ako sa mga bata. Sila ang gusto kong i-direk ngayon."

ON HER FIRST MMFF MOVIE

Ang tinutukoy ni Direk Cathy na pokus niya ngayon ay pagdi-direk sa mga baguhang artista tulad nina Kaori Oinuma, Daniela Stranner, Rhys Miguel, at Anthony Jennings na mga bida sa pelikulang First Love At First Stream.

Super excited at hindi maitago ni Direk Cathy ang saya na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasama sa MMFF ang dinirek niyang pelikula, ang Love At First Stream ng Star Cinema.

Continue reading below ↓

"Happy, ready ako mag-participate. Kaya lang di ko alam kasi nga first time ko.

"Nandiyan naman sila Alpha to guide me. Wala akong alam. Di ko nga alam na 25 bawal and 24 kaya nga nag-book ako so ngayon pina-move ko na.

"Excited, excited to this especially extra challenge kasi pandemiya.

"First time ko sa MMFF, first time during pandemic, first time na magbukas ng mga sinehan, and first time with my four actors who are very good. Maraming first time."

Ano ang inaasahan niya ngayong nakasali siya sa kauna-unahang pagkakataon ss MMFF?

Sagot ni Direk Cathy: "Wala naman. Ine-expect ko lang na maging masaya ang lahat tutal yun naman talaga ang MMFF.

"Ang MMFF magbibigay tayo ng ligaya sa mga tao, sa family, all walks of life, all generations, so heto po.

"Especially ang Love At First Stream, sabi ko nga love letter to generations iyan.

"Di lang pang-bagets pati pang-edad ko and even older and younger.

Continue reading below ↓

"Sayang naman ang pelikula ko kung di mapapanood ng mga bata.

TV SHOW WITH PIOLO

Sa kabilang banda, iniuaga ni Direk Cathy na pinaghahandaan na rin niya ang TV sitcom kunsaan makakasama niya ang A-list actor na si Piolo Pascual.

"May isa akong series na tinaggap this year with Piolo.

"Sobra kasi, di ba, may utang ako dun na pelikula na di matuloy-tuloy? Kaya kahit sa series man lang matuloy.

"Isang film dapat with Piolo, e, di nagkakatugma ang schedules and concepts, so hayun series muna."

"Comedy siya, romcom," saad ni Direk Cathy.

Liban dito ay hindi binanggit ni

ON BEING MORE SELECTIVE WITH PROJECTS

Sa mga interviews ni Direk Cathy at kahit sa presscon proper ng MMFF ay nabanggirt nito ang balak niyang pagre-retire.

Paliwanag naman ng direktora, gagawin niya ito dahil di na rin siya bumabata at gusto niyang mas makasama ang kaniyang pamilya.

Pero hindi raw nangangahulugang na tatalikuran na niya ang pagdi-direk.

Continue reading below ↓

"Di naman siya retire [na full] retirement. Ako lang, magpi-fifty na ako, yung katawan ko di na kagaya dati, totoo naman yun.

"So, nagli-limit tayo ng project, more quality time with my family, at the same time, makapagkuwento pa rin kahit once in a while na rin."

Nasa plano pa rin daw ni Direk Cathy ang mag-retire sa New Zealand.

Aniya, "New Zealand? Tuloy pa rin yun in the near future."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya box-office director Cathy Gacia-Molina on good terms with John Lloyd Cruz and Bea Alonzo: "Mga two months ago nakapag-usap pa kami ni Lloydie. Si Bea a little before that. We're good."
PHOTO/S: Noel Orsal for PEP.ph / GMA Network / @beaalonzo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results