Isang araw matapos ibunyag ni Alodia Gosiengfiao na hiwalay na sila ni Wil Dasovich, nag-post naman ng cryptic message ang vlogger-traveller sa kanyang social media accounts.
Kalakip ng mensahe ni Wil ang larawan ng isang magandang tanawin sa kabundukan ng The Himalayas kung saan siya kasalukuyang nagbabakasyon.
Sabi niya sa caption: “Keep moving forward, because there is no other option.
“You can rest, you can eat, sleep, pray, do what you need to do to find your strength, and then when you are ready we move again. We always move. If you stop moving, so does your life.
“Simple, yet powerful words from my Sherpa friends.”
READ: What #Wilodia did for love: Alodia Gosiengfiao and Wil Dasovich love story
View this post on Instagram
Hindi direktang sinabi ni Wil na tungkol sa hiwalayan ang kanyang mensahe, pero nagpahayag naman ng pagkalungkot ang ilang nagkomento tungkol sa sinapit ng relasyon ng vlogger at ni Alodia.
“I DON’T WANT TO LIE.”
Sa live streaming ni Alodia kahapon, November 15, sinabi ng cosplayer-gamer na ayaw niyang magsinungaling. Pero hindi raw niya kayang ilahad sa publiko ang lahat dahil pribadong tao siya.
Aniya, “And I don’t want lying, I hate lying, to be honest. That’s why I’m not very good in playing Among Us [online game], kasi I’m very transparent.
“And every time may nagtatanong, ‘Kayo pa ba?’ Siyempre, I don’t want to lie.
“It’s been a while na rin nga naman. Tsaka yung mga na-upload, late uploads lang yun kaya it made it seem na kami pa rin.”
Sa isa pang hiwalay na streaming, sabi ni Alodia, “It is what it is. I mean, ganun po talaga yung buhay, sometimes stuff happens. Or it's not meant to be.
"And tinatanggap ko na lang po yun. So, okay lang, I guess."
Hindi rin daw ito biru-biruan o prank.
"Sa mga nagtatanong pala, kasi may mga nagsasabi, 'Is it a prank?'
"To be honest, I don't normally do pranks and wala pa akong time to make, like, yung mga ganung types of videos kasi po very busy yung day ko.
“I, like, have meetings kasi and I also manage Tier One behind the scenes, so may mga business meetings.
“I manage gaming streams, the company, and branded contents, so yung mga ano...
“No, hindi po ito prank. I wish it were, but it’s not."
Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
