Tila may panibagong pahiwatig si Paolo Contis, 37, sa komunikasyon nila ng nauugnay sa kanyang si Yen Santos, 28.
Ito ay matapos mag-post ni Paolo ng hinihinalang camouflaged message niya para kay Yen.
Isang netizen ang nagpadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng screenshot ng selfie ni Paolo na ipinost nito via Instagram Story noong Lunes ng umaga, November 15.
May kalakip itong blushing emoji at written text na nagsasabing, "pssssst.. good morning!"

Makikita sa screenshot na naka-tag ang Instagram name ni Yen na "YS" sa kanyang account na @ysantos.
Pero ayon sa netizen, hindi kaagad iyon mapapansin dahil naka-camouflage umano ang tag ni Paolo kay Yen.
"Nag view ako sa ig stories nya, pag press ko sa bandang baba nung 'ng' sa morning nya, nakita ko naka tag si yen.
"Hindi kita kasi kakulay nung name ung background nung post," saad sa mensahe ng netizen sa PEP.ph.
Kaya raw sa unang tingin ay mukhang walang naka-tag sa litrato ni Paolo.
Dagdag ng netizen, "Ilang beses ko inulit un, naka tag tlaga si yen haha."

PAOLO AND YEN'S SIMILAR IG STORIES
Noong November 9, unang naiulat ang hinihinalang palitan ng mensahe nina Paolo at Yen via Instagram Story.
Noong mga unang araw ng buwan ng Nobyembre, nag-post si Yen ng selfie kalakip ng caption na, "do you floss though?"
Noong November 8, si Paolo naman ang may selfie sa Instagram Story kasama ng caption na, "Nag suklay pero di nag floss."
Waring nagsagutan ang dalawa sa kani-kanilang Instagram Story, pero wala itong kumpirmasyon mula kina Paolo at Yen.
BAGUIO SIGHTING
Hindi kailang naging kontrobersiyal ang pagpunta nina Paolo at Yen sa Baguio noong end of August.
Kakahiwalay lang noon ni Paolo sa long-time partner niyang si LJ Reyes.
Inamin ni Paolo na totoong magkasama nga sila ni Paolo at Yen sa Baguio "as a friend," pero wala raw katotohanan ang espekulasyong si Yen ang dahilan ng breakup nila ni LJ.
Naging magkaibigan sina Paolo at Yen matapos nilang magtambal sa pelikulang A Faraway Land na pinalabas noong August 2021.
Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
