Paolo Contis spotted with mystery woman in Baguio: Who is she?

by Rachelle Siazon
Sep 2, 2021
Netizens react to Paolo Contis being sighted in Baguio with mystery woman. They're calling for a "face reveal."
PHOTO/S: CTTO

Sino ang babaeng kasama ni Paolo Contis?

Ito ang katanungan ng netizens sa kumakalat na litrato ni Paolo kasama ng isang babaeng nakatilikod at hindi kita ang mukha.

Tinukoy ng netizens na si Paolo ang lalaki dahil naka-side view ito habang nakikipagkuwentuhan sa babae.

Pareho silang nakaupo sa table sa isang cozy restaurant, na base sa tagged location ay matatagpuan sa "Baguio."

Nakasuot ng oversized shirt ang babae, at simpleng T-shirt din ang suot ng Kapuso actor.

May written text na "huyyyy #spotted" sa caption, at may kasama ring emojis na laughing with tears at monkey covering eyes.

Continue reading below ↓

Sabi sa caption sa isa pang litrato, "oyyyy sino to???? spill the tea sis? hahah jk."

Isang source na nagpakilalang tiga-Baguio ang nagpaabot ng mensahe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kumakalat na litrato.

Ayon sa source, nakita niya si Paolo at ang babae sa cozy restaurant na iyon noong Biyernes, August 27.

Continue reading below ↓

Hindi naman kita ang mukha ng babae sa litrato, kaya walang klarong impormasyon kung sino ito.

Sa kabilang banda, walang kumpirmasyon kung kailan ang eksaktong petsa na nagtungo sa Baguio si Paolo at kung ano ang dahilan ng pagpunta niya roon.

August 18 ang huling update ni Paolo sa kanyang Instagram account.

NETIZENS' REACTIONS

Hindi naman maiwasang mapatanong ng netizens kung sino nga ba ang babaeng kasama ni Paolo sa litrato.



Continue reading below ↓

Hirit pa ng isa, "face reveal na daw hahaha."

May humirit pang hindi raw nakaligtas si Paolo sa mala-papparazi na kuha ng sinumang nakakita sa aktor.

Continue reading below ↓

THE DAY IT BECAME KNOWN PAOLO UNFOLLOWED LJ ON IG

Hindi maiwasang mainit na pag-usapan kung sino man ang makasama ni Paolo at kung kumusta ito ngayon.

August 19 nang pumutok ang balitang hiwalay na sila ni LJ matapos mapansin ng mapanuring netizens na naka-unfollow si Paolo kay LJ sa Instagram.

Continue reading below ↓

Noon ding araw na iyon napansin na burado ang lahat ng litrato ni LJ sa Instagram feed ng aktor.

August 22 nang kumpirmahin ng manager ni Paolo na si Lolit Solis na totoong hiwalay na sina Paolo at LJ.

Pero ayon kay Lolit, walang third party na sangkot sa isyu ng couple, at nais daw ng dalawa na maghiwalay nang maayos at manatiling magkaibigan.

LJ'S VERSION OF BREAKUP WITH PAOLO

Pero kinontra ni LJ ang sinasabing "maayos" ang lahat sa pagitan nila ni Paolo.

Nitong September 1, lumantad si LJ para sabihing lubos siyang nasaktan sa breakup nila ng longtime partner.

Nagbago raw ito ng ugali, at parang hindi na ito ang lalaking nakilala at minahal niya.

Itinago ni LJ sa publiko ang pinagdaanang problema nila ni LJ sa loob ng higit-kumulang walong buwan.

Hanggang sa nitong Agosto ay tuluyan silang naghiwalay. Si LJ ang nag-initiate, pero sa huli ay si Paolo na ang umayaw sa kanya.

Continue reading below ↓

Nang tanungin si LJ sa isyung third party at pera, kakatwang isang nakabibinging katahimikan ang sinagot niya.

Noong August 25, dumating si LJ sa New York kasama ng dalawang anak.

Prayoridad niyang mailayo ang mga ito dahil sa pangyayaring ikinaguho ng tiwala niya kay Paolo.

Nitong September 2, inulat ng PEP Troika na ayaw ni Paolo na magsalita tungkol sa breakup nila ni LJ.

Pero kumpirmadong alam nga ng aktor ang tungkol sa pagpunta ni LJ sa New York bago pa lumabas ang panayam ni Boy Abunda sa aktres kahapon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens react to Paolo Contis being sighted in Baguio with mystery woman. They're calling for a "face reveal."
PHOTO/S: CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results