PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Padilla answers dad Robin Padilla's question

Kylie Padilla and dad Robin had a heart-to-heart talk about her separation.
by Jojo Gabinete
Published Nov 27, 2021
kylie padilla robin padilla youtube
Kylie Padilla to dad Robin Padilla about her separation from estranged husband Aljur Abrenica: “To be honest, Pa, ang mahirap lang talaga dun sa nangyari sa amin is never ko nang mae-enjoy yung pinapanood ko silang naglalaro. Yun lang, kasi alam ko talaga nang dumating yung time na hindi na siya nagwo-work. But, bilang nanay, 'Oh my God, give me a few minutes…' Yun lang, kasi favorite ko yung pinapanood ko yung mga anak ko at tatay nila na magkasama."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Nagkaroon ng masinsinang pag-uusap ang mag-amang Robin Padilla at Kylie Padilla sa YouTube channel ng aktres na inilabas ngayong Sabado ng umaga, November 27.

Pinamagatang "The Conversation I Never Had with my Papa," mararamdaman ng mga manonood ang unconditional love para sa isa’t iisa ng mag-ama.

Si Kylie ang nag-interbyu kay Robin.

Tulad nang sinabi ng 28-year-old actress, mga importanteng katanungan tungkol sa buhay ng action superstar ang sinagot nito.

Sa umpisa ng panayam niya kay Robin, sinabi ni Kylie: “There’s this thing na nangyayari sa akin na kapag kasama ko yung tatay ko, nagiging bata ako uli.”

Mararamdaman at makikita ito sa huling bahagi ng kanilang pag-uusap kung saan sinabi ni Kylie sa ama: “May gusto po ba kayong itanong sa akin?”

Simple pero makahulugan ang tanong ni Robin, na hindi binanggit ang pangalan ng taong kanyang tinutukoy — ang estranged husband ng anak niyang si Aljur Abrenica.

Sa isang panayam noong July 2021 ay kinumpirma ni Robin na hiwalay na ang kanyang anak at mister nito dahil umano sa third party sa parte ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero inalmahan ito ni Aljur at sinabi, sa pamamagitan ng isang mahabang post sa Facebook, na si Kylie umano ang unang nagtaksil sa kanila at siyang sumira ng kanilang pamilya.

Itinanggi naman ito ni Kylie sa panayam sa kanya ni Jessica Soho, at iginiit na hindi siya nagkaroon ng extramarital affair noong nagsasama pa sila ni Aljur.

KYLIE OPENS UP TO HER FATHER

Sa YouTube channel ni Kylie, tinanong ni Robin ang anak: “Pero okay na kayo?”

“Okay na kami, yes. okay na kami. Thank God!” nakatawang sabi ni Kylie, pero may lungkot na makikita sa kanyang malamlam na mata.

Hindi ito nakaligtas sa matalas na paningin ni Robin.

Sabi ng aktor, “Sige nga, tinitingnan kita sa mata, kasi hindi ka makakapagsinungaling sa akin, e."

Sagot ni Kylie: “Okay na po talaga, Pa, promise. Ayoko nang mag-ano… basta ang importante, okay kami [para] sa mga bata.”

Sundot na tanong ni Robin: “Masakit pa, masakit pa?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Kylie: “To be honest, Pa, ang mahirap lang talaga dun sa nangyari sa amin is never ko nang mae-enjoy yung pinapanood ko silang naglalaro.

“Yun lang, kasi alam ko talaga nang dumating yung time na hindi na siya nagwo-work.

"But, bilang nanay, 'Oh my God, give me a few minutes…' Yun lang, kasi favorite ko yung pinapanood ko yung mga anak ko at tatay nila na magkasama.

“Yun lang talaga yung isang bagay na nagtatanong ako, 'Tama ba ito or hindi?'

“Pero kung titingnan ko as a whole, mas maganda yung nangyari ngayon kasi hindi na kami toxic.

“Mahapdi sa aking puso na hindi ko na yun makikita, nae-enjoy in that way na buo kami.

"Mas happy na ako ngayon, realistically, kasi after ng mga nangyari, hindi na ako makakabalik doon, e, sa kung paano ako before. Masyado nang maraming nangyari.”

Reaksiyon ni Robin: "Ako naman yata ngayon ang malulungkot? So, wala na talagang pag-asa?”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

IS THERE NO CHANCE FOR RECONCILIATION?

Kahit hindi magsalita, makikita sa mga mata ni Robin na siya ang higit na nasasaktan at nalulungkot sa kinahinatnan ng pamilya na binubuo ng anak niya.

Pahayag ni Kylie, “No, no. It’s best for what it is now kasi tinitingnan ko rin [na] in the future, maging friends kami talaga.

“Ngayon kasi, after ng nangyari, we’re friends, pero there’s a distance. Dumidistansiya na ako.

"Kasi siyempre, nagulat ako, pero nga, bilang nanay ako ng mga anak ko, I have to be civil, try to be the better person. Mas mature na tao.

“Naging klaro lang kung nasaan yung priorities niya, so it made more clear to me. Pero bilang nanay din ng mga nanay ko, masakit sa akin ‘yon.

“Hindi ko na nga mae-experience yun sa kanila, kaya nga I have no shame in saying na ini-stalk ko pa rin kasi gusto kong makita, 'Oh, okay masaya sila.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Buo pa rin yung relasyon nila bilang mag-tatay so happy na ako.

"Siyempre, on my side, may guilt, e, kasi sorry, yun lang, pero ready na akong mag-move forward talaga.

“Hanggang saan ba yung kaya ko bilang babae na mag-isa lang ako so I’m okay.”

“Masaya ka na?” maiksi pero punumpuno ng pagmamahal na tanong ni Robin.

"Yes," sagot ni Kylie, na tunay na parang bumalik sa pagiging bata sa piling ng kanyang protective father habang nag-uusap sila.

RELATED STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla to dad Robin Padilla about her separation from estranged husband Aljur Abrenica: “To be honest, Pa, ang mahirap lang talaga dun sa nangyari sa amin is never ko nang mae-enjoy yung pinapanood ko silang naglalaro. Yun lang, kasi alam ko talaga nang dumating yung time na hindi na siya nagwo-work. But, bilang nanay, 'Oh my God, give me a few minutes…' Yun lang, kasi favorite ko yung pinapanood ko yung mga anak ko at tatay nila na magkasama."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results