PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heaven Peralejo appeals anew to netizens to be kind

Heaven Peralejo: "Guys malapit na mag Christmas mag pakabait na po ang lahat."
by Arniel C. Serato
Published Dec 4, 2021
Heaven Peralejo appeals to bashers to be kind
Heaven Peralejo to netizens: "Magpahinga rin kayo, okay? Magpahinga kayo sa kaka-bash sa akin. Sabi ko nga sa inyo, single ako pero not ready to mingle."
PHOTO/S: Courtesy: @heavenperalejo on Instagram

Muling umapela sa netizens ang Kapamilya star na si Heaven Peralejo na “magpakabait” na at huwag na masyadong magpaka-negatibo sa kanya.

Si Heaven ay isa sa local celebrities na pinuntirya ng matinding bashing ng netizens dahil sa usapin ng kanyang magulong buhay pag-ibig.

Sa kanyang Facebook noong December 1, nakiusap si Heaven sa netizens na maging mahinahon dahil malapit na ang araw ng Pasko.

Sabi ni Heaven, “Guys malapit na mag Christmas mag pakabait na po ang lahat [Christmas tree, heart emojis]”

Kalakip nito ang art card ng isang social media site na naka-banner ang kanyang quote mula sa panayam sa kanya ng ABS-CBN personality na si Darla Sauler noong November 28.

Dito ay nilinaw ni Heaven na wala talaga silang relasyon ng kanyang best friend na si Kimpoy Feliciano.

Sabi ni Heaven sa naturang interview: “Yung kay Kimpoy, guys, masaya lang din na nagkaroon din talaga ako ng kaibigan sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun yung parang thankful kami sa isa’t isa na finally nakahanap ka rin ng kaibigan talaga na lumalabas kahit hindi magkasama sa work.

“So, yung amin talaga ni Kimpoy, yung pagmamahalan namin, e, hanggang best friends lang, guys, okay?

"Masanay na kayong may kaibigan akong lalaki.

“Magpahinga rin kayo, okay? Magpahinga kayo sa kaka-bash sa akin. Sabi ko nga sa inyo, single ako pero not ready to mingle.

“Kaya, huwag tayo mag-assume at gumawa ng issue na wala naman talagang issue, di ba?

“Yun lang, enjoy lang, Christmas na, o, dapat happy, happy.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw na rin ni Kimpoy sa kanyang vlogmas nitong December 2 na matalik na magkaibigan lang sila ng aktres.

Saad ng actor-vlogger, “Hindi talaga kami ni Heaven.

"And hindi ko alam kung maniniwala pa rin kayo dahil siyempre, yung iba meron na silang sariling paniniwala na kahit sasabihin mo hindi, iisipin nila na, ‘Ah, tinatago lang or ayaw nyo lang aminin or blah, blah.’

“So, yun nga, e, nasa sa inyo na kung maniniwala kayo o hindi pero sinabi na rin naman ni Heaven sa interview niya na friends lang talaga kami.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo to netizens: "Magpahinga rin kayo, okay? Magpahinga kayo sa kaka-bash sa akin. Sabi ko nga sa inyo, single ako pero not ready to mingle."
PHOTO/S: Courtesy: @heavenperalejo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results