Natuloy na ang matagal nang balak ng mag-asawang Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan na pansamantalang manirahan sa Amerika.
Nitong nakaraang Sabado, December 4, nakarating na sa Virginia, U.S.A. ang dalawa kung saan nila napiling manirahan muna.
Sa Instagram, ibinahagi ni Ai-Ai ang larawan nila ni Gerald habang nasa Dulles International Airport sa Viriginia.
Sabi ng Comedy Queen sa caption: “Parang para sa amin ang caption .... yes NORTH VIRGINIA HERE WE COME .. OUR JOURNEY BEGINS HERE ..
"thank you dear LORD and mother MARY .. we landed safely .. love you my darling this is it start na ng buhay naten together
"@gerald_sibayan #simplewifey #takingcareofmyhusband #excited #payapangpamumuhay”
View this post on Instagram
Sa kanyang IG Stories, ipinakita naman ni Ai-Ai ang self-service na pagpapagasolina nila sa kanilang sasakyan.
Caption niya: “Girl, ang buhay ni mrs sibayan.”

Sa isa pang IG Story, nag-selfie naman ang dalawa.
Sabi ni Ai-Ai sa caption, “Husband and wife team.”

May isang fan naman ang nagtanong kung tuluyan na bang lilisanin ng Kapuso comedienne ang Pilipinas.
Sagot ni Ai-Ai (published as is): “@emilatte12 bukas namdyan na ko ulit hahaha ... hindi naman bakasyon lang”

Ipinapasilip naman ni Gerald sa kanyang Intagram Story kung ano ang ginagawa ng asawa habang ninanamnam ang malamig na temperatura sa Virginia.
Caption niya, “Msaiaidelasalas at ito lang ang temperature hindi manlang negative 9 degree centigrade”

Sinabi rin nitong may sariling heater ang asawa pampapawi sa lamig ng panahon.
“NGAYON PA LANG AKO MAGIGING ASAWA”
Sa ulat ng PEP Troika noong September 29, sinabi ni Ai-Ai na gusto muna niyang mag-focus sa kanyang U.S. citizenship dahil balak nitong i-petition ang asawang si Gerald.
Saad ng comedienne, “Yung The Clash, yun parati ang uuwian ko in case.
“Kasi siyempre, sa buhay natin, di ba? Kagaya ni Golden, minsan may priority ka rin."
Ang The Clash Season 1 winner na si Golden Cañedo ay nagdesisyong umuwi muna sa Cebu para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at makasama ang pamilya.
Patuloy pa niya, “Although, babalik naman ako dito, kasi yung nanay ko matanda na, so bibisitahin ko.
“Sa totoo lang, ngayon pa lang ako magiging may asawa, na ang priority ko si Gerald. Bukod sa ipe-petition ko siya, kailangan niya din ng kasama dun sa Amerika.
“Saka kasi, ngayon lang din ako magpu-full blast ng green card ko. 2015 pa kasi yung green card ko.
"So, kung bibilangin mo nung 2020, five years na ako, dapat citizen na ako.
“So, ngayon ko siya talaga bubunuin. Kasi, binigyan naman ako ni Lord ng pagkakataong magkaroon ng green card, tapos sasayangin ko lang?
"So, gagawan ko siya ng paraan ngayon."
Isa sa balak nilang mag-asawa ay ang magka-baby kapag doon muna sila maninirahan, at bukas sila sa surrogacy kung sakali.
Saad ni Ai-Ai, “Oo, lahat 'yan, planado na sa gagawin namin sa Amerika. So, yun lang.
“Prayers lang and every day na hope na lahat na ‘to ay magiging maganda.
“Pray-pray lang kay Lord.”
Tiniyak naman ng isang source ng PEP.ph na hindi for good ang pananatili nina Ai-Ai at Gerald sa Amerika. Sa katunayan, may nakalinya pang teleserye na gagawin ang Comedy Queen sa 2022.
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
