PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo and Jeric Gonzales now in a relationship?

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales spotted in numerous places.
by Bernie V. Franco
Published Dec 27, 2021
rabiya mateo jeric gonzales
Kapuso actor Jeric Gonzales and beauty-queen-turned-actress Rabiya Mateo now a couple? Apart from their paparazzi shots at the amusement park last week, more videos and photos of Rabiya and Jeric being cozy with each other are circulating on social media.
PHOTO/S: facebook / youtube

Sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales na nga ba?

Naiintriga ngayon ang netizens matapos ang magkakasunod na pagkalat ng sweet photos at videos ng Miss Universe Philippines 2020 at ng Kapuso actor.

Nagsimula ito nang i-post noong nakaraang linggo ang paparazzi shots ng dalawa na magkayakap.

Nakunan sina Rabiya at Jeric sa isang sikat na amusement park sa Sta. Rosa, Laguna.

Obvious sa kanilang public display of affection na walang balak itago ng dalawa kung anuman ang meron sila.

rabiya mateo jeric gonzales

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, nagsunud-sunod din ang sightings nina Rabiya at Jeric sa iba pang okasyon.

Kita ang sweetness nila sa kumalat na videos.

Very telling ito lalo’t ayon sa GMA Artist Center, wala namang proyekto sa ngayon ang dalawa na magkasama.

Ang huling nakarelasyon ni Rabiya ay ang long-time boyfriend nitong si Niel Salvacion.

Naghiwalay ang dalawa noong nakaraang taon, kasunod ng pagsabak ni Rabiya sa Miss Universe 2020 pageant.

For the longest time ay na-link naman si Jeric sa Magkaagaw co-star nitong si Sheryl Cruz, bagamat iginiit ng dalawa sa interviews na wala silang relasyon.

RABIYA MATEO-JERIC GONZALES SIGHTINGS

Sa isang video, nakunan sina Rabiya at Jeric na nakaupo. Inaayos ni Jeric ang kanyang buhok habang masinsinang kausap si Rabiya.

Sa isa pang hiwalay na video, nakunan ang dalawa na nakatayo. Si Rabiya, natiyempuhan pang humawak sa tiyan ni Jeric, habang naghahanda sila kasama ang iba pa para sa isang boodle fight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

rabiya mateo jeric gonzales

Bukod pa sa videos, nag-post din ang ilang netizens ng kani-kanilang mga larawan kasama sina Jeric at Rabiya.

Kahapon, December 26, 2021, nag-post ng pictures ang isang male netizen kasama sina Rabiya at Jeric habang nasa beach.

Base sa lokasyon ng netizen, kuha ang mga ito sa Olongapo City.

rabiya mateo jeric gonzales

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gayundin ang isang female netizen na natiyempuhan sina Jeric at Rabiya sa amusement park sa Laguna noong December 16, 2021.

rabiya mateo jeric gonzales

Nagkatrabaho sina Rabiya at Jeric sa isang episode ng Wish Ko Lang, ang Kapuso weekly drama anthology, noong November 2021.

Mukhang iyon ang nagbukas ng pinto para mapalapit ang dalawa sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaso ba ito ng pagtatrabahong nauwi sa totohanan?

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph sa kampo ni Jeric, subalit tumanggi muna silang magbigay ng pahayag sa real score ng aktor at ni Rabiya.

Nakipag-ugnayan din kami sa panig ni Rabiya, pero hindi pa kami nakakatanggap ng sagot.

Kaagad naming ilalathala ang kanilang reaksiyon oras na magpadala sila ng sagot ukol sa tunay na estado ng relasyon nina Rabiya at Jeric.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Jeric Gonzales and beauty-queen-turned-actress Rabiya Mateo now a couple? Apart from their paparazzi shots at the amusement park last week, more videos and photos of Rabiya and Jeric being cozy with each other are circulating on social media.
PHOTO/S: facebook / youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results