Alexa Ilacad gets "kiliiiiiiiiig" after idol Marian Rivera liked her "strong woman" post

by Bernie V. Franco
Jan 3, 2022
alexa ilacad marian rivera
Alexa Ilacad (left) was deeply overwhelmed when her "forever idol" Marian Rivera liked her Instagram post about "strong woman."
PHOTO/S: @alexailacad and @marianrivera on Instagram

Naging mas masaya ang New Year ni Alexa Ilacad kasunod ng pag-like ng idolo niyang si Marian Rivera sa kanyang New Year Instagram post.

Si Alexa, na isang Kapamilya actress, ay vocal sa pagsasabing idolo at “life goal” niya si Marian, na tinaguriang Kapuso Primetime Queen.

Sa pagsalubong sa New Year, may post si Alexa tungkol sa “strong woman” kalakip ng kanyang glamour shot.

Ginamit niya ang quote na ito mula sa American author na si R.H. Sin bilang caption: “Sometimes an angel, sometimes a hell raiser, always a strong woman.”

alexa ilacad instagram post

Continue reading below ↓

Via Twitter, isang fan ni Alexa ang nag-screenshot ng Instagram post ng aktres, pati na ang celebrities na nag-like dito.

Isa sa mga nag-like ang idolo ni Alexa na si Marian.

Tweet ng fan, alam niyang ikatutuwa ito ni Alexa.

Hindi nga nagkamali ang fan ni Alexa. Bakas sa tweet ng Kapamilya star ang excitement dahil pinusuan ng kanyang idolong si Marian ang recent IG post niya.

“OHMYGOD!! [crying with tears and white heart emojis] my heaaaaaart! Kiliiiiiiiiig!” sagot ni Alexa sa Twitter.

alexa ilacad tweet

Continue reading below ↓

ALEXA FANGIRLS OVER MARIAN IN 2015

Noong 2015, hindi naitago ni Alexa ang pagiging fan niya nang i-follow siya ni Marian sa Instagram.

Tweet ni Alexa noon (published as is): “guys GUYS MY LIFE GOAL aka Ms. MARIAN RIVERA FOLLOWED ME ON IG WAA im freaking out rn i cant even I need to breatheeeeee”

Nag-tweet si Alexa dahil sumagot sa kanya si Marian sa Instagram.

Sa June 2, 2015 post ni Marian, nagkomento si Alexa ng “I love you idol.”

Sumagot si Marian dito sa pamamagitan ng pag-tag kay Alexa. Nag-follow rin si Marian kay Alexa.

Nag-reply muli ang Kapamilya actress sa Kapuso A-list actress.

Nagkomento si Alexa ng “I love you so much” at “Idol po kita forever.”

Nag-reply naman ni Marian kay Alexa ng “cute” at “stay happy.”

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexa Ilacad (left) was deeply overwhelmed when her "forever idol" Marian Rivera liked her Instagram post about "strong woman."
PHOTO/S: @alexailacad and @marianrivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results