PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Diego Loyzaga-Barbie Imperial relationship on the rocks?

Diego explains why Barbie was not with him during his U.S. vacation?
by Arniel C. Serato
Published Jan 25, 2022
Diego Loyzaga, Barbie Imperial rumored breakup
Netizens ask if Barbie Imperial-Diego Loyzaga relationship is on the rocks after noticing that the couple has not been posting photos of them together on Instagram lately.
PHOTO/S: Courtesy: Nice Print Photo / @msbarbieimperial / @diegoloyzaga on Instagram

May pinagdadaanan ba ang relasyon nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial?

Matapos magdiwang ng kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan noong December 12, 2021, hindi na nakitang magkasama sa kanilang social media posts ang dalawa.

Hindi rin sila magkasamang nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

Wala rin silang mensahe para sa isa’t isa sa mga nasabing espesyal na okasyon.

Nang magbakasyon kamakailan si Diego sa Amerika ay hindi rin niya kasama si Barnie.

Kaya tanong ng curious netizens: hiwalay na ba sina Diego at Barbie?

Diego Loyzaga, Barbie Imperial rumored breakup

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diego Loyzaga, Barbie Imperial rumored breakup

Diego Loyzaga, Barbie Imperial rumored breakup

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diego Loyzaga, Barbie Imperial rumored breakup

Isang matibay na palatandaan kung break o may problema ang relasyon ng isang showbiz couple ay kung in-unfollow na nila ang isa't isa sa social media.

Pero sa pagbisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kani-kanilang Instagram accounts nina Diego at Barbie, makikitang pina-follow pa nila ang isa’t isa.

"IT WASN'T PLANNED."

Sa presscon ng pelikulang pinagbibidahan ni Diego, ang The Wife ng Vivamax, noong Biyernes, January 21, 2022, naitanong sa aktor kung bakit hindi niya kasama si Barbie nang magpunta siya sa Amerika.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag ni Diego, biglaan ang kanyang desisyong mag-abroad at hindi talaga ito nakaplano.

Wala rin daw U.S. visa si Barbie kaya hindi talaga ito maaaring bumiyahe papuntang Amerika.

Buong paliwanag ni Diego: “I came here all of a sudden. Like, I came here, like, it wasn't planned. And I don’t think Barbie has a blue passport.

“I booked my flight a day before I left. So, yeah, I don’t think even if she wanted to come here, she couldn’t come here.

"She needs a visa to come here, I think.”

Maraming pinagdaanang intriga ang relasyon nina Diego at Barbie noong 2021.

Pagbungad nitong Enero 2022, nasangkot naman ang pangalan ni Barbie kay Daniel Padilla.

Nabigyan ng malisya ang litrato kunsaan namataan si Barbie kasama ang ina ni Daniel na si Karla Estrada at kapatid nitong si Magui Ford.

Kuha ang larawan sa tapat ng bahay nina Daniel at Karla.

Kinuha itong screengrab mula sa video ng comedian na si Chad Kinis nang mangaroling ang grupong Beks Batallion kay Karla noong December 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala si Daniel sa video.

Pero kinuwestiyon ng ilang intrigerong netizens kung bakit naroon si Barbie sa bahay nina Daniel at Karla.

Tanong nila: may namamagitan ba kina Barbie at Daniel?

Pero sinupalpal kaagad ni Daniel ang intrigerong netizens at sinabing “nonsense” ang pag-uugnay sa kanila ni Barbie.

Namatay na rin ang isyu matapos ang ilang araw.

Sa ngayon ay hinihintay naman ng netizens ang pagsasalita nina Diego at Barbie sa haka-hakang may pinagdadaanan ang kanilang relasyon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens ask if Barbie Imperial-Diego Loyzaga relationship is on the rocks after noticing that the couple has not been posting photos of them together on Instagram lately.
PHOTO/S: Courtesy: Nice Print Photo / @msbarbieimperial / @diegoloyzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results