"Tama na po."
Ito ang pakiusap ni Kim Chiu sa bashers na patuloy sa pangdidiin na siya ay "super mean" dahil sa nabitiwan niyang salita sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.
Ngayong Martes, January 25, 2022, inihayag ni Kim na nakarating sa kanya ang pagkalat ng meme kunsaan may cat lovers na na-offend sa komento niya tungkol sa mga maiingay na pusa.
TikTok video ang meme na iyon kunsaan nagtanong si Kim sa contestants ng show kung ano ang mas maingay sa gabi.
Isa sa mga pagpipilian ay "pusang may kaharutan sa bubong."
Nag-adlib si Kim at humirit nito: "Yung gusto mo sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay."
Base rito ay biniro si Kim ng It's Showtime co-hosts na sina Vhong Navarro at Vice Ganda.
Ani Vhong, "Kawawa naman yung pusa."
Hirit ni Vice, "Grabe kayo sa pusa. Why do you hate cats so much?"
Sabay depensa ni Kim, "Wala naman ako sinabi..."
Pangungulit pa ni Vice, "Sasabuyan mo ng boiling water yung cats?"
"Kawawa naman," ulit ni Vhong."
Kalakip ng video na ito ay ang written text mula sa isang netizen, "influencers should realize how much impact every word they say and post to their audience."
May nakakabit din sa video clip na litrato ng pusa at written text na "RA 8485" o "The Animal Welfare Act of 1998" na naglalayong protektahan ang mga alagang hayop pati na rin ang mga pang-trade.
Nakapaskil din sa video clip ang komento ng isa pang netizen, "tapos bubuhusan lang ng mainit na tubig ni kim."
Marami rin ang nag-react sa hiwalay na komento ng isang "gigil" na netizen na nag-repost ng TikTok video at naglagay ng quote na salamin ng pagkatao kung paano ang trumato sa mga hayop.
KIM: NO INTENTION TO HARM ANIMALS
Umapela si Kim sa patuloy na pagkalat ng meme sa sinabi niyang "sabuyan ng mainit na tubig" ang mga pusang maingay sa gabi.
Ni hindi man lang daw isinama ang video kunsaan humingi rin siya ng paumanhin sa mismong show.
Paliwanag ni Kim sa kanyang magkakasunod na tweets (published as is):
"I really want to remain quiet on this, because this was a month or 2 months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun.
"But the thing is……
"Social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode."
Pakiramdam ni Kim ay hindi patas na nadidiin na siya ay "super mean" kahit pa itinama niya agad ang mga maling nasabi.
"But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation, Ganun naman minsan sa atin. Mas gusto ng karamihan palabasin kang..
"Super mean, yung diin na diin.. kahit wala ka naman ginawa 'pa'.
"Para kanang ginawa na masama sa mata nila. that’s the sad part.
"Pero kung may ginawa kang maganda hindi mashado papansinin. Pag masama.. 'happy fiesta!' But oh well. Ganun sa atin eh."
KIM APOLOGIZES AGAIN TO ANIMAL LOVERS
Ganunpaman ay humingi ulit si Kim ng paumanhin sa mga na-offend sa kanyang tinuran.
"But Im asking for…..
"Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months)
"Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.
"Parang wala sa panahon ngyon ang gagawa ng ganun.Wag na natin palakihin pa, dahil wala naman talagang nasaktan."
"I hope I made myself clear. I hope this ends here."
Sa huli ay sinagot niya ang isa pang netizen na nagsabing "pasmado" ang bibig ng actress-host at sana ay mag-isip raw ito bago magsalita.
Tweet ni Kim, "Ate, tama na po. This is one of the reasons kaya ako di nakapigil.
"Yung mgq taong ganito mag salita, minsan mas worst pa nababasa ko.
"I already explained my part, kahit na di naman kailangan sabi ng team ko. But I just have to…."