Vice Ganda looks back on how AlDub phenomenon affected It's Showtime: 'Feeling ko talaga, tatanggalin kami..."

by Bernie V. Franco
Jan 16, 2021
Vice Ganda: “Ako talaga hinanda ko talaga yung sarili ko na feeling ko talaga, tatanggalin kami nung panahon ng AlDub."
PHOTO/S: Kapamilya Online Live / Eat Bulaga

Inamin ni Vice Ganda na may panahong tinanggap na niyang katapusan na ng It’s Showtime dahil sa tagumpay noon ng AlDub.

Ang AlDub ay ang sikat na tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza na pumaimbulog mula 2015 hanggang 2017.

Nagsimula ang AlDub Phenomenon sa “Kalyeserye” segment ng Eat Bulaga.

Dahil sa AlDub, umalagwa nang husto ang ratings ng GMA-7 noontime show at nilampaso ang katapat nitong It’s Showtime ng ABS-CBN noong panahong iyon.

Sabi nga ni Vice, hinanda na niya noon ang sarili na tatapusin ng ABS-CBN management ang kanilang noontime show dahil sa lakas ng AlDub.

Inamin ito ni Vice sa episode ng It’s Showtime nitong Sabado, January 16, 2021.

Sa segment na "Tawag ng Tanghalan," napag-usapan ang plot twist ng buhay na ayaw nilang mangyari.

Ayon kay Vice, ang ikinakatakot niya ay sabihan siyang huling araw na ng It’s Showtime.

“Hindi ko talaga keri ‘yon. Hindi ko alam kung pano ko yun idi-deal with.

Continue reading below ↓

“Kasi nangyari na ito sa amin dati, e.

“Ako talaga, hinanda ko talaga yung sarili ko na, feeling ko talaga, tatanggalin kami nung panahon ng AlDub.

“Prangkahan na,” pag-amin ng host-comedian.

Dagdag ni Vice, “Panahon ng AlDub, feeling ko wala nang nanonood ng Showtime.

“Parang buong Pilipinas, nakatutok sa AlDub.”

Bukod pa rito, nagkaroon daw ng pag-aaway sa pagitan ng fans ng It’s Showtime at fans ng AlDub.

“’Tapos ang laking kasalanan kapag fan ka ng Showtime. Ang laking kasalanan pag nanonood ka ng Showtime.

“Parang nag-aaway-away ang mga tao sa social media.

“Parang hindi ka dapat nanonood ng Showtime. Dapat lahat tayo nakatutok lang sa AlDub, yung ganun.

“’Tapos ang baba-baba na ng ratings ng Showtime.”

Bagamat hindi raw sumuko si Vice, naramdaman daw niyang anumang oras ay tatawagin siya ng management para sabihing kakanselahin na ang kanilang noontime show.

“’Tapos ako, laban na laban pa din ako. Pero dumating ako sa punto na habang lumalaban ako, tinanggap ko na, feeling ko, anytime soon, tatawagan ako ng management at sasabihan ako na, ‘We are cancelling the show.’

Continue reading below ↓

“Tanggap ko ‘yon.”

Pero hindi raw sila sinukuan ng management.

“‘Tapos hindi nangyari. Hindi ginawa ng ABS-CBN.

“Hindi ako nilaglag. Hindi nilaglag yung show.”

VICE: HINDI KO IIWAN ANG ABS-CBN

Ito raw ang kinapitan ni Vice at nangakong magiging tapat siya sa kanyang home network.

Ito nga ang ginawa ni Vice kahit hindi na pinagkalooban ng bagong prangkisa ang TV network noong July 2020.

“Kaya sabi ko talaga, yun ang pinanghahawakan ko, e.

“Magkamatayan na. Hindi ko iiwanan ang ABS-CBN ngayon.

“Kasi nung nangyari ito sa buhay ko, hindi kami iniwanan ng ABS, e.

“Lahat kami, lahat kaming hosts, lahat kaming show, isama na natin yung direktor namin, hindi ‘yan iniwanan ng ABS nung mukha na kaming kawawa at halos patay na kami.

“Kaya ngayon na nangyayari ito sa ABS, hindi rin kita iiwan. Katulad ng hindi mo pang-iiwan sa akin noon.”

Makahulugan din ang sumunod na pahayag ni Vice.

Continue reading below ↓

Aniya, “Yung taong papayag na, ‘Sige, sasamahan pa rin kita kahit wala na akong nahihita sa ‘yo.’ Ang sarap noon.

“Pag di na napapakinabangan iiwan ka, ang sakit nun.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda: “Ako talaga hinanda ko talaga yung sarili ko na feeling ko talaga, tatanggalin kami nung panahon ng AlDub."
PHOTO/S: Kapamilya Online Live / Eat Bulaga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results