Maayos ang paghihiwalay nina Barbie Imperial, 23, at Diego Loyzaga, 26.
Ito ang sinabi ng aktres sa panayam sa kanya ng Star Magic Inside News na lumabas ngayong araw, February 9, 2022.
Diretsong pag-amin niya, "We broke up na, break, wala na kami.
"Hindi naman siya bad breakup. Okay kami. Hindi kami nag-break na magkaaway kami, hindi. We are okay.”
Napagkasunduan daw nila ng ex-boyfriend na tapusin na ang lagpas isang taong relasyon nila dahil marami pa silang kailangang pagtuunan sa isa’t isa.
Saad ng Kapamilya actress, “Okay naman, I think it's for the better naman.
"And even si Diegs naman, alam niya naman yun na parang marami pa kaming kailangang matutunan and kailangan pa namin na mag-grow apart."
Ayon pa kay Barbie, hindi siya masyadong nagdu-dwell sa kalungkutan dahil marami siyang pinagkakaabalahan.
"Well, ngayon po kasi ang dami ko talagang ginagawa. Nag-start na rin ako ng golf and before golf kasi nagte-tennis ako and workout every day. Tapos ito ngayon [It’s] Showtime.
“So, busy din naman. And I am actually okay, happy naman ako."
Inamin ni Barbie na hiwalay na sila ni Diego noong February 3, pero hindi siya nagbigay ng detalye ukol sa hiwalayan.
Unang napansin ng netizens na tila may problema sa relasyon nina Barbie at Diego nitong bandang kalagitnaan ng December 2021.
Matapos kasing magdiwang ng kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan noong December 12, hindi na nakitang magkasama ang dalawa sa kanilang social media posts ang dalawa.
Hindi rin sila magkasamang nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon.
Wala rin silang mensahe para sa isa’t isa sa mga nasabing espesyal na okasyon.
Nang magbakasyon kamakailan si Diego sa Amerika ay hindi rin niya kasama si Barbie.
Wala pang pahayag si Diego ukol sa hiwalayan nila ni Barbie.
