Watch Now

Barbie Imperial explains why she will never get back with an ex

by Rachelle Siazon
Feb 14, 2022
Barbie Imperial
Goodbye Girl star Barbie Imperial says self-love and knowing her boundaries are some of the valuable lessons she learned after her breakup.
PHOTO/S: @msbarbieimperial Instagram

Inihayag ni Barbie Imperial, 23, na hindi siya ang tipo ng naniniwala sa kasabihang "Love is lovelier the second time around."

Sa kanyang karanasan, naniniwala ang Kapamilya actress na kung hindi naayos ang problema habang magkarelasyon pa ay walang saysay na maghiwalay at saka magbalikan.

Paliwanag ni Barbie: "Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex.

"Dun na lang tayo sa experience na parang hindi na. Kasi nung time na yun na magkasama kami, sana yun na yung time na okay lahat.

"Na dun gagawin kung anuman ipu-prove ganito-ganyan.

"Parang you had your shot."

Sabay dasal ni Barbie na huwag siyang maging marupok at maisip na makipagbalikan sa isang ex.

"I mean, Lord, please guide me. Sana wala na talaga!" sabay natawang komento ni Barbie.

Sinabi ito ni Barbie sa virtual mediacon ng iWant series na Goodbye Girl ngayong Lunes, February 14, 2022.

Nang banggiting pagdating sa pag-ibig ay mahirap magsalita nang tapos, ipinunto ni Barbie na mahirap ibalik ang nasira nang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw kailangang paabutin sa hiwalayan kung talagang desidido ang couple na ayusin ang kung anumang problema.

"That's why maganda nga na good breakup talaga. As if nag-away na kayo, siraan, ganito, ganyan, parang ang hirap magkabalikan talaga.

"Pero yun nga, ulitin ko lang answer ko. For me, nandun ka na, e, sa time na magkasama tayo, sana dun mo ginawa.

"If wala na, if big reason na ng paghiwalay namin, mahirap kasi sa akin na tanggapin yung mga bagay na nangyari.

"Parang hindi na."

Ang huling nakarelasyon ni Barbie ay si Diego Loyzaga. Tumagal ng isang taon ang kanilang relasyon.

Ang iba niyang ex-boyfriend sa showbiz ay sina Paul Salas at Ryle Santiago.

Nagkaroon din ng sandaling espesyal na ugnayan noon sina Barbie at JM de Guzman.

ON having boundaries in a relationship

Pagdating sa pakikipagrelasyon, ang pinakamahalagang bagay raw na natutunan ni Barbie ay ang pagkakaroon ng boundaries para sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya: "Biggest lesson ko pagdating sa love is learn to let go. Kasi minsan di na rin enough yung mahal niyo yung isa't isa.

"Like, if kung wala nang growth, wala na kayo naiaambag na growth para sa isa't isa.

"Para saan pa yung relationship if puro away, puro pangit nangyayari?"

May punto raw talaga na kailangan nang makipaghiwalay.

"Kahit mahal na mahal niyo isa't isa, kailangan talaga i-let go or else mawawala ka," dagdag ni Barbie.

Ngayong siya ay single, nakita raw ni Barbie na kailangan bigyan ng oras ang sarili at hindi kailangang baguhin ang pagkatao para lang sa isang karelasyon.

"These days, ang dami ko nagagawa na di ko magawa-gawa noon kasi siguro in love na in love ako.

"Ginagawa ko yung sports na gustung-gusto ko before na di ko magawa. Nakakasama ko yung mga kaibigan ko na matagal ko nang di nakita.

"Importante na kahit may ka-relationship ka, di mababago yung mga gusto mo gawin sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Di ka dapat magbabago. Di mo dapat babaguhin sarili mo. Na wala namang mali sa 'yo dahil lang di yun ang gusto or nakasanayan ng..."

Sabay napatakip ng mukha si Barbie at pinigil ang sarili dahil baka may masabi pa siyang iba.

Aniya, "Ah, basta! Sa lahat yun. Wala namang name-drop!"

BARBIE'S WORST VALENTINE'S DAY

Inusisa rin ang cast members tungkol sa "worst Valentine's Day" nila.

Nang tanungin si Barbie, agad siyang binuro ng co-stars niyang sina Loisa Andalio at Maris Racal.

Hindi kaila na si Barbie ay nito lang pagpasok ng 2022 napabalita ang hiwalayan kay Diego.

Ani Loisa, "Ngayon ba 'yan? Today ba 'yan? Charot!"

"Kaya ba today?" hirit ni Maris.

Natatawang saway ni Barbie, "Hoy!"

Sabay kuwento ni Barbie, "Yung sa akin, worst ko, sa breakup ko before.

"And then, parang months after, parang dun ko nalaman na yung mga dinenay before, totoo pala.

"Ta's nalaman ko yun on Valentine's Day, but wala na kami, so wala na ako magawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Walang confrontation or anythng. No choice but to move on.

"Pero yung betrayal, nandiyan pa rin sa iyo."

Ngayong Valentine's Day naman ang tingin ni Barbie ay pinakamagandang Valentine's Day niya dahil kasama nitong magdiriwang ang kanyang ina.

At kahit panay ang pang-aasar sa kanya ng co-stars tungkol sa kanyang pagiging single ay di naman napikon si Barbie na blooming at maaliwalas ang aura.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Goodbye Girl star Barbie Imperial says self-love and knowing her boundaries are some of the valuable lessons she learned after her breakup.
PHOTO/S: @msbarbieimperial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results