Usap-usapan sa Twitter ang dalawang magkasunod na posts ni Chie Filomeno ngayong Huwebes, February 17, 2022.
Tila may pinatatamaan ang former Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10 housemate sa kanyang makahulugang tweets.
Mababasa sa unang tweet ni Chie ang pasaring sa isang taong hindi niya tinukoy ang pangalan. Galit na galit daw ang taong ito dahil nasisira ang reputasyon nito, pero ito rin daw mismo ang ginagawa nito kay Chie sa loob ng matagal na panahon.
Mensahe niya: “funny how you’re so mad someone is ruining your reputation, yet that’s what you’ve been doing to me for the longest time”
Sa kasunod niyang tweet, sinabi ni Chie na bumalik sa taong tinutukoy niya ang masasamang ginawa nito sa kanyang kapwa.
Buong tweet niya: “Do not do unto others what you do not want others do unto you. Edi na back to you ka diba? Because karma izzzz real. Shhh na nga ako [face savouring delicious food, face with tears of joy emojis] kbye”
Sa comments section, nagkomento ang ilang followers ni Chie. Ang ilan sa kanila ay nagbigay ng mga clue kung sino ang pinariringgan ng former PBB housemate.
May ilan na diretsang tinukoy si Dawn Chang na siyang laman umano ng tweets ni Chie.
Hindi ito sinagot ni Chie.

Noong nakaraang linggo ay nagpatutsada si Dawn kay Toni Gonzaga matapos nitong mag-host sa proclamation rally nina presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte.
Read: Ex-PBB housemate Dawn Chang "deeply insulted and disappointed by the actions" of Toni Gonzaga
Nagkabanggaan din ang kampo ni Dawn at ng veteran entertainment columnist Cristy Fermin dahil sa akusasyon ng huli na diumano’y “nakikipaglandian sa mga boss” ang una sa kinabibilangang home network nito kaya ito nagka-career.
Sa pagkakaalam ng publiko ay matagal nang may alitan sina Chie at Dawn na nagsimula noong pareho pa silang miyembro ng GirlTrends, ang all-female group na nagpe-perform sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.
Read: Is Chie Filomeno's latest post alluding to Dawn Chang's comment about dancing?
