PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diego Loyzaga makes amends with father Cesar Montano

Diego Loyzaga says sorry to his father Cesar Montano.
by Bernie V. Franco
Published Mar 3, 2022
diego loyzaga cesar montano
Diego Loyzaga reveals he and dad Cesar Montano have finally buried the hatchet. Diego also hopes to catch up with Cesar for the lost time. He even posted throwback photos when he was just a baby (right photo).
PHOTO/S: Twitter (Diego Loyzaga)

Pagkatapos ng pitong taong hindi pagkikita, nagkasama na sa wakas ang mag-amang Cesar Montano, 59, at Diego Loyzaga, 26.

Ang pagkikita ng mag-ama ay hudyat ng kanilang pagkakaayos.

Hindi kaila sa showbiz ang pagkakaroon ng lamat ng relasyon nina Diego at Cesar sa matagal na panahon.

Si Diego ay anak ni Cesar sa dating karelasyong si Teresa Loyzaga.

Ngayong Huwebes, March 3, 2022, ibinahagi ni Diego sa Twitter ang bonding nila ni Cesar sa pamamagitan ng basketball.

Bukod dito, ipinost din ni Diego ang throwback photos nilang mag-ama noong baby pa siya.

Madamdamin din ang mensahe ni Diego sa pagkakaayos nilang mag-ama.

Bakas sa mensahe ni Diego na siya ang nagpakumbaba at may panghihinayang sa panahong nawala sa kanila ni Cesar.

Sabi ni Diego (published as is): “7 years is a long time for a son not to see his father.

“After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I apologise for the impulsiveness of my youth.

“If we could take back the words and the distance and the time wasted, i would.”

diego loyzaga

Hangad ni Diego na magkaroon pa sila ng maraming oras ni Cesar.

“One thing we can do is make up for it. It was so good to see you & play ball with you today.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay pa siya ng payo na huwag sayangin ang oras na makasama ang mga mahal sa buhay at huwag magsayang ng oras.

“Value your family & loved ones today for tomorrow is not promised. As I mature, the more

“I wish saying sorry was enough to fix all of the worlds problems.

“Just peace and love & nothing else matters”

diego loyzaga

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DIEGO'S RIFT WITH CESARIN 2017

Noong 2017 ay idinaan ni Diego sa social media ang paglalabas ng galit sa amang si Cesar.

Ito ay matapos umano siyang bantaan ni Cesar na ipapadampot sa mga pulis dahil sa umano'y paggamit sa bawal na gamot.

Inungkat din noon ni Diego ang diumano'y pagpapalayas sa kanya ng ama sa ibinigay nitong bahay noong siya ay 21 anyos.

Sarkastiko pa noon ang post ni Diego na "ramdam na ramdam" niya ang pagmamahal sa kanya ng ama.

Buwelta pa niya, sana raw ay lumabas lahat ng baho ng ama at tinawag pa niya itong "hipokrito."

Pero kasunod nito ay binura rin ni Diego ang mga post laban sa ama.

Samantala, noong July 2021, sinabi ni Diego na nami-miss niya si Cesar at nagpahiwatig na gusto nang magkaayos sila.

Pagsapit naman ng November 2021, ibinahagi ni Diego sa isang interview na nagsimula na silang mag-usap ng ama kasunod ng pagkakaroon ng COVID-19 ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’ve been reaching out to him lately. We talk very, very briefly when he has the time," sabi na noon ni Diego, na hudyat na malapit na silang magkaayos.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga reveals he and dad Cesar Montano have finally buried the hatchet. Diego also hopes to catch up with Cesar for the lost time. He even posted throwback photos when he was just a baby (right photo).
PHOTO/S: Twitter (Diego Loyzaga)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results