Ikinatuwa ni Teresa Loyzaga ang pagbabati ng dating karelasyong si Cesar Montano at kanilang anak na si Diego Loyzaga.
Nag-post si Diego tungkol sa pagbabati nilang mag-ama noong Huwebes ng gabi, March 3, 2022.
Iyon din ang unang pagkikita ng mag-ama pagkatapos ng pitong taon.
May lamat ang relasyon nina Diego at Cesar, at naglabas pa nga ng hinanakit si Diego tungkol sa ama sa social media noong 2017.
Pero nitong Huwebes, inanunsiyo ni Diego na sinisimulan na nilang mag-ama na bumawi sa isa’t isa.
Naging vocal si Teresa sa pagpuri kay Diego, na nagpakumbaba at nakipag-ayos kay Cesar.
Sa Instagram post ni Diego kasama ang ama, nagkomento si Teresa.
Mensahe ng aktres (published as is): “You make me Proud son. [Heart emoji] I love you.”
Inulan din ng papuri mula sa netizens ang mabuting pagpapalaki ni Teresa kay Diego.

Halatang ikinagalak ni Teresa ang pagkakaayos nina Cesar at Diego.
Sa Instagram Story ng aktres, ni-repost niya ang larawan ng mag-ama na nag-bonding sa pamamagitan ng basketball.
“Thank you Lord,” pasasalamat ni Teresa sa pagkakaayos nina Diego at Cesar.
Ni-repost din ni Teresa ang larawan ni Cesar na karga-karga si Diego noong toddler pa lang ito.

Nagkarelasyon sina Cesar at Teresa pero hindi sila ikinasal.
Pero sinabi ni Teresa sa isang interview noong 2018 na minahal niya si Cesar at naging bunga ng kanilang pagmamahalan si Diego.
SUNSHINE HAPPY FOR DIEGO AND CESAR
Sa kabilang banda, hindi lang si Teresa ang nag-react sa post ni Diego tungkol sa kanila ng tatay.
Ni-like din ni Sunshine ang post na ito ni Diego.

Si Sunshine ay dating asawa ni Cesar at mayroon silang tatlong anak na babae—sina Angelina, Samantha, at Franchesca.
Nag-iwan din ng heart emoji si Angelina Cruz sa post ng kapatid na si Diego.

Si Angelina ang panganay na anak nina Sunshine at Cesar.
Noong nakaraang Pasko ay namataang ka-bonding ni Cesar ang tatlong anak nila ni Sunshine.
Read: Angelina Cruz says mom Sunshine Cruz has no problem with her being close to dad Cesar Montano
Ikinasal sina Sunshine at Cesar noong 2000.
Nagsumite ng annulment case si Sunshine noong 2014. Na-grant ito ng Quezon City Regional Trial Court noong September 2018.
