Ana Jalandoni posts cryptic message amid assault allegation against boyfriend Kit Thompson

by Arniel C. Serato
Mar 18, 2022
Ana Jalandoni releases a short statement about Tagaytay incident
Ana Jalandoni: “When you love someone you will never ever harm them. Minahal mo ba talaga?”
PHOTO/S: Courtesy: Ana Jalandoni on Facebook

Nag-post ng cryptic message ang sexy star na si Ana Jalandoni sa kanyang Instagram at Facebook accounts ngayong hapon ng Biyernes, March 18.

Ito ay kasunod ng pagputok ng balita tungkol sa diumano’y pisikal na pananakit sa kanya ng nobyong si Kit Thompson.

Hindi direktang binanggit ni Ana sa kanyang mensahe tungkol sa pagmamahal kung ano ang tinutukoy niya o kung sino ang kanyang "minahal." Pero malinaw na may kinalaman ito sa kinasasangkutan nilang kontrobersiya ni Kit.

Sinabi nitong kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo ito kayang saktan. Pero kung nagawa mo ito, ibig sabihin lamang nito ay hindi mo ito minahal.

Aniya, “When you love someone you will never ever harm them. Minahal mo ba talaga?”

Hinikayat niya ang lahat na mag-ingat sa kanilang mga karelasyon na huwag matulad sa nangyari sa kanya.

Nagpasalamat si Ana sa lahat ng nagpaabot ng mensahe at suporta, pero humingi siya ng dispensa dahil hindi na niya ito masagot isa-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maglalabas daw siya ng kanyang mas mahabang statement kaugnay ng nangyari.

Buong pahayag niya: “This is me saying, you all should be careful out there. I can't reply to all of you right now but thank you for checking up on me.

“I will release a statement soon.”

Ngayong Biyernes ng umaga, pumutok ang balitang nagpa-rescue si Ana sa mga pulis sa Tagaytay City dahil dinetena at sinaktan diumano siya ni Kit.

READ: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after allegedly injured by boyfriend Kit Thompson

Humingi pa siya ng tulong sa ilang kaibigan niya dahil natatakot daw siya para sa kanyang buhay.

WHAT THE POLICE OFFICERS ARE SAYING ABOUT THE INCIDENT

Naaresto ng pulisya ni Kit at kasalukuyang naka-detain sa kulungan.

READ: Kit Thompson under police custody in Tagaytay; his girlfriend undergoes medical treatment

Base sa ulat ni Tagaytay PNP Chief Rolando Baula, sumailalim sa inquest si Kit bandang 5:00 p.m. nitong Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinampahan siya ng reklamong paglabag sa Section 5A ng Republic Act 9262 o Violence Against Women Act.

Inihayag din ng pulisya sa isang media conference na selos ang mitsa ng panggugulpi umano ni Kit kay Ana.

Sa kasalukuyan ay nagpapagaling si Ana sa isang ospital sa Tagaytay.

READ: Kit Thompson alleged assault of girlfriend Ana Jalandoni caused by jealousy, says police

Nagbigay rin ng pahayag ang management ni Kit, ang Cornerstone Management, pero hindi pa ito kumpleto dahil hinihintay pa daw nila ang pormal na report ukol sa insidente.

READ: Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident

Lagpas tatlong buwan pa lamang ang relasyon ng dalawa, na umamin lamang noong Disyembre 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ana Jalandoni: “When you love someone you will never ever harm them. Minahal mo ba talaga?”
PHOTO/S: Courtesy: Ana Jalandoni on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results