PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What will Jeric Raval do if daughter AJ is physically abused?

Jeric Raval: "Ano naman ang silbi ng pagiging action star ko?"
by Melba R. Llanera
Published Mar 25, 2022
Jeric Raval, AJ Raval
Jeric Raval on hypothetical scenario if somebody physically hurts his daughter AJ: "Siyempre tao lang tayo, baka samain. Ano naman ang silbi ng pagiging action star ko?"
PHOTO/S: Screengrab from Buy Bust trailer / @ajravsss Instagram

May hangganan ang pagiging mabait ni Jeric Raval, 46, at iyon ay kapag pisikal na nasaktan ang anak na si AJ Raval, 21.

Natanong kasi si Jeric kung ano ang gagawin niya kung sakaling ang maging karelasyon ni AJ ay isang lalakeng may bisyo at nananakit nang pisikal.

Sagot ng action star: "Mawawala ang pagiging mabait ko. Siyempre tao lang tayo, baka samain.

"Ano naman ang silbi ng pagiging action star ko?

"Alam niyo, wala namang walang magulang gusto na sapitin yung ganun sa anak niya.

"Siyempre bilang ama, obligasyon ko na protektahan yung anak ko."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric sa PDEA advocacy presscon at red-carpet soft screening ng pelikulang Buy Bust Queen.

Ginanap ang event sa One Mall Sky Theater, Valenzuela City, noong Miyerkules ng gabi, March 23, 2022.

Hiningan din ng reaksiyon si Jeric kung ano ang nararamdaman niya kapag tinatawag na "bold star" si AJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay ito ng mga mapangahas na roles ni AJ sa sexy films tulad ng Death of A Girlfriend, Taya, Nerisa, at Hugas.

Dati nang naulat na hindi pabor si Jeric sa pagpapaseksi ni AJ, pero kinalaunan ay naintindihan na rin daw nito ang piniling trabaho ng anak.

Read: Jeric Raval, ipinaliwanag kung bakit di niya suportado ang pagpapaseksi ng anak na si AJ Raval

Sabi ni Jeric, "Actually, wala pa akong napapanood sa mga movie niya. Pag nasa bahay ako, lagi akong nakatutok lang sa Netflix.

"Sad to say, hindi ako nagpapanood ng mga local movies.

"Iniiwasan? Hindi naman. Nalilibang lang ako sa Netflix ngayon," safe na sagot ni Jeric.

ON being part of a movie that fights illegal drugs

Base pa rin sa panayam kay Jeric, naikuwento niya ang adbokasiya ng pelikulang Buy Bust Queen kunsaan gumanap siyang isang PDEA agent.

Talamak man ang droga sa Pilipinas, hindi naman naniniwala si Jeric na natutukso lang ang isang tao kaya natututong magbisyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi ako naniniwala dun sa temptation—yung ikaw ay naimpluwensiyahan—hindi totoo yun. Gusto mo talaga kaya mo sinubukan.

"E, ako, ang dami kong kaibigan na gumagamit dati, kahit nung nag-aaral pa ako, pero hindi ako naimpluwensiyahan sa kanila. Ni sagarilyo di ko gusto dahil ayaw ko.

"E, yung alak, matanda na ako nung natikman ko ang alak. Twenty-seven na ako nung natikman ko ang alak.

"Tapos yung mga nagturo sa akin na magsiinom, patay na lahat," lahad ni Jeric.

Dagdag niya ukol sa ilegal na droga, "Bata pa ako, sakit na iyan ng bansa natin. It's a good thing na nagkaroon tayo ng ganitong ahensiya [PDEA] na kung saan sinusugpo ang talamak na droga.

"Well, hopefully, mabawasan man lang nang malaki—although hindi naman

HOW HE DISCIPLINES HIS CHILDREN

Hindi man perpektong ama, sinsiikap daw ni Jeric na maging ehemplo sa kanyang mga anak.

"Simple lang kung ano ang nakikita nila sa akin. Paano mo mababawalan ang anak mo na huwag kang manigarilyo? 'Masama iyan.' E, nakikita kang naninigarilyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Wag kang uminom ng alak, ang bata mo pa.' Paano mo pagbabawalan, e, nakikita sa iyo?"

Aminado si Jeric na hindi niya nakakasama ng "24 hours" ang mga anak para maging 100 percent sure siyang walang bisyo ang mga ito.

Pero aniya ukol kay AJ at sa barkada nito, "Nakikita ko naman sila, maayos naman ang mga kaibigan nila."

Pagmamalaki rin ni Jeric, kampante siyang pinalaki si AJ nang maayos ng misis ng aktor na si Holiday.

Si AJ ay anak ni Jeric sa dating partner na si Alyssa Alvarez.

Read: AJ Raval, tunay na ina ang turing sa legal wife ng amang si Jeric Raval

Sabi ni Jeric, "Yung batang iyan, lumaki iyan sa disiplina. Pinalaking maayos yun ng misis ko, si Holiday.

"Although hindi siya ang biological mother, pinalaki naman niya nang maayos ang bata."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Raval on hypothetical scenario if somebody physically hurts his daughter AJ: "Siyempre tao lang tayo, baka samain. Ano naman ang silbi ng pagiging action star ko?"
PHOTO/S: Screengrab from Buy Bust trailer / @ajravsss Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results