PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Willie Revillame serve as top executive in Manny Villar's TV network?

Kailan iaanunsiyo ni Willie Revillame ang pamamaalam sa GMA-7?
by Jojo Gabinete
Published Feb 7, 2022
Willie Revillame Manny Villar
Sa napipintong paglipat ni Willie Revillame (left) sa Advanced Media Broadcasting System Inc., ano ang opisyal na designation na in-offer sa kanya ng owner ng network na si Manny Villar (right)? NoonG February 5 ay kumalat ang litrato kunsaan magka-shake hands ang dalawa na tila nagpapahiwatig ng kasadong kasunduan.
PHOTO/S: Efren Syyap Facebook

Isang mapagkakatiwalaang source ng Cabinet Files ang nagbigay ng impormasyon na malaki ang posibilidad na magkaroon si Willie Revillame ng mataas at mahalagang posisyon sa Advanced Media Broadcasting System Inc. o AMBS.

Ang AMBS magbubukas na television network na pag-aari ng business tycoon at former Senate President Manny Villar.

Inaasahang malaki ang maitutulong ni Willie sa mga manggagawa sa industriya ng telebisyon dahil alam niya ang mga hinaing ng mga empleyado at ng mga kapwa artista.

Tiniyak ng source na kapag natuloy ang pagkakaroon ni Willie ng mataas na puwesto sa ABMS, welcome na welcome na mag-apply ang mga empleyado at artista ng ABS-CBN.

Hindi kaila na maraming ABS-CBN employees ang nawalan ng trabaho nang hindi pagkalooban ng House of Representatives ng prangkisa ang Kapamilya Network noong July 2020.

Read: Is Manny Villar interested in a partnership with ABS-CBN?; eyes industry veterans for AMBS

ON WILLIE REFUSING TO RUN IN 2022 ELECTIONS

Noong nakaraang taon, maingay ang balita na kakandidato si Willie bilang senador para sa halalan sa May 9, 2022 dahil sa pangungumbinsi ni President Rodrigo Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong October 7, 2021, tahasang sinabi ni Willie sa live broadcast ng Wowowin na hindi na siya kakandidato dahil nais daw niyang magsilbi sa mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang programa.

Sabi noon ni Willie, "Kung sakaling tatakbo ho ako sa senado, hindi naman ako magaling mag-Ingles. Wala akong alam sa batas.

"Baka ho lait-laitin lang ako doon ng ating mga mahal na senador na magagaling. Hindi man lait-laitin, siguro baka wala naman akong maiaambag na batas, di ba?

"Baka dumating yung time na sayang lang yung boto niyo sa akin, na wala akong nagagawa. Wala rin akong naiiambag na knowledge about the law."

Pinuna rin ni Willie ang mga pulitiko na nag-aaway-away, nagmamagaling, at pataasan ng ere habang marami sa ating mga kababayan ang naghihirap.

Naniniwala ang mga supporter at tagahanga ni Willie na hindi hinayaan ng tadhana na matuloy ang pagpasok niya sa pulitika dahil may iba at mas malaking plano para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHEN WILL WILLIE ANNOUNCE HIS FAREWELL TO GMA-7?

Mapapanood ngayong hapon ng Lunes, February 7, 2022 sa Studio 6 ng GMA-7 ang live broadcast ng Wowowin, ang top-rating game at public service show ni Willie.

Matagal na idinaos ang show ni Willie sa kanyang rest house sa Tagaytay City dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 noong January 2022.

Pero ang pagbabalik niya ngayon sa Studio 6 ang huling Lunes sa Kapuso Network ng kanyang programa.

Marami ang nag-aabang sa paglabas ni Willie sa Wowowin dahil hinihintay nila ang opisyal na pahayag ng popular television host tungkol sa pag-alis niya sa GMA-7.

Siya ay nakatakdang lumipat sa AMBS, ang magbubukas na television network na pag-aari ng business tycoon at former Senate President Manny Villar.

Noong February 5, 2022, namataan sina Willie at Villar na magka-shake hands sa litrato na ipinost sa Facebook ng kaibigan ng TV host na si Efren Syyap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang malapit kay Willie ang nagsabi na hindi pa magsasalita ang Wowowin host tungkol sa nalalapit na pagpapaalam nito sa GMA-7.

Sa darating na Biyernes, February 11, pa niya ibabahagi ang saloobin at ang taos-pusong pasasalamat sa management ng Kapuso Network na kumupkop sa kanya sa halos pitong taon.

February 11 din ang petsa ng end of contract ni Willie sa GMA-7, ayon sa official statement ng Kapuso network.

Read: Willie Revillame kumpirmadong aalis na sa GMA-7; Wowowin, hanggang February 11 na lang

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa napipintong paglipat ni Willie Revillame (left) sa Advanced Media Broadcasting System Inc., ano ang opisyal na designation na in-offer sa kanya ng owner ng network na si Manny Villar (right)? NoonG February 5 ay kumalat ang litrato kunsaan magka-shake hands ang dalawa na tila nagpapahiwatig ng kasadong kasunduan.
PHOTO/S: Efren Syyap Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results