Watch Now

Raquel Pempengco reacts to statement of Jake Zyrus's camp about death of singer's grandmother, uncle

by Jojo Gabinete
Apr 8, 2022
raquel pempengco, jake zyrus
Raquel Pempengco on deciding to pospone the cremation of her mother and brother: "Pina-postpone ko ang cremation dahil baka sakali na gusto niyang [Jake Zyrus] magparamdam at makita ang kanyang lola sa huling sandali. Kahit huwag na siyang tumulong. Okay na naman dahil marami sa mga kaibigan ko ang tumutulong."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Nakarating kay Raquel Pempengco ang balitang naglabas ng opisyal na pahayag ang kampo ng kanyang anak na si Charice, aka Jake Zyrus, tungkol sa magkasunod na pagkamatay ng lola nitong si Teopista “Tess” Relucio at ng tiyo niyang si Roberto Pineda.

Pero hindi pa raw ito nababasa ni Raquel.

Read: Jake Zyrus mourns deaths of his grandmother, uncle

Sumakabilang-buhay si Lola Tess noong April 3, 2022, samantalang namatay si Roberto dahil sa motorcycle accident noong April 6.

Sa pahayag na inilabas ng manager ni Jake na si Carl Cabral, nakasaad ditong nakikiusap ang nagdadalamhating singer na hayaan ang mga naulila ng mga nasawi na magkaroon ng pribadong pagluluksa.

Kasalukuyang nasa Amerika si Jake para sa series of concerts doon.

“I heard galing kay Carl [ang statement]. Nagluluksa raw.

"Paano siya nagluluksa ganoong hindi siya nagpaparamdam?" tanong ni Raquel sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes ng gabi, April 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatakda dapat nitong Biyernes ang magkasabay na cremation sa mga labi nina Lola Tess at Roberto. Pero nagpasya si Raquel na ipagpaliban ang cremation sa Linggo, April 10.

Saad ni Raquel, “Kahit hindi magparamdam si Charice, tuloy ang cremation.

"Pina-postpone ko ang cremation dahil baka sakali na gusto niyang magparamdam at makita ang kanyang lola sa huling sandali.

“Kahit huwag na siyang tumulong. Okay na naman dahil marami sa mga kaibigan ko ang tumutulong.

Maraming nagbigay ng tulong mula sa U.S., sa mga nakasama ko sa work, mga malalapit kong kaibigan dito sa Pilipinas at sa classmates ko.

“Nag-abot din po ng tulong ang ibang mga kamag-anak ni Nanay. Ang iba naman, mga panalangin."

Dagdag ng ina ni Jake, "Ang ilang Jakester at dating Chaster [fans club ni Charice], nag-abot din po kahit papaano.

“Lubos akong nagpapasalamat mula sa aking mga natitirang pamilya at sa mga taong nagbigay ng tulong. Tatanawin ko pong utang na loob sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahapon, April 7, ang 75th birth anniversary ni Lola Tess.

Ginunita ito ni Raquel sa pamamagitan ng mga alay at dasal sa burol ng kanyang namayapang ina.

“Alay, panalangin, at kuwentuhan ng mga pangyayari mula bata pa kami hanggang ngayon na namatay na si Nanay.

“Kasama ko ang kapatid ko na babae. After that, inasikaso uli namin ang papers na gagamitin para sa cremation nila.

"Nag-decide akong pagsabayin na lang ang cremation nina Nanay at Robert sa Linggo," ani Raquel.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raquel Pempengco on deciding to pospone the cremation of her mother and brother: "Pina-postpone ko ang cremation dahil baka sakali na gusto niyang [Jake Zyrus] magparamdam at makita ang kanyang lola sa huling sandali. Kahit huwag na siyang tumulong. Okay na naman dahil marami sa mga kaibigan ko ang tumutulong."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results