Watch Now

Isabel Santos spends time with John Lloyd Cruz anew

by Rachelle Siazon
Apr 13, 2022
John Lloyd Cruz, Isabel Santos
Isabel Santos (right) posts new photo of rumored boyfriend John Lloyd Cruz (left) on her Instagram account.
PHOTO/S: @somethingstarwars Instagram

Hindi pa rin umaamin si John Lloyd Cruz hinggil sa estado ng kanyang love life ngayon.

Nang humarap siya sa media noong Marso sa anniversary ng Crown Artist Management Entertainment, puro mga tanong lamang tungkol sa kanyang showbiz career ang pinaunlakan ng aktor.

Very low-key pa rin siya pagdating sa kanyang pribadong buhay.

Pero muling nasilayan si John Lloyd na mukhang masaya at kuntento kasama si Isabel Santos, isang artist na hinihinalang nobya niya ngayon.

Si Isabel ay apo ng yumaong si Mauro "Malang" Santos, award-winning cartoonist, illustrator, at painter.

Nag-post si Isabel ng solo picture ni John Lloyd na may hawak na aso.

Simple ang hitsura ng aktor sa suot na white shirt, pants, sneakers, at cap.

Caption ni Isabel: "bb1, bb2."

Waring tinukoy ni Isabel na "bb1" at "bb2"—o baby 1 at baby 2—sina John Lloyd at ang cute na alagang aso.

Nilinaw naman ni Isabel na hindi kanya ang hawak na aso ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

John Lloyd Cruz, Isabel Santos

"Yownnnnnnnnn," komento naman ni Direk Antoinette Jadaone sa photo ni John Lloyd.

Tila kasama rin nina John Lloyd at Isabel ang ama ni Isabel na si Soler Santos. Base ito sa hiwalay na IG post ni Isabel, kunsaan kasama ni Soler ang kapwa pintor na si Louie Cordero.

Kung susuriin ang photos, magkahawig kasi ang lugar kung nasaan sina John Lloyd at Soler.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pag-aaring art gallery ni Soler sa West Avenue, Quezon City, unang nag-solo exhibit si John Lloyd noong 2019.

JOHN LLOYD AND ISABEL SIGHTINGS

Noong Pebrero 2022 huling nakitang magkasama sina John Lloyd at Isabel nang magbakasyon sila sa beach kasama ang anak ng aktor na si Elias.

November 2021 naiulat ang tungkol sa makailang-beses na pagkakataong nakikitang magkasama sina John Lloyd at Isabel.

Tingin ng netizens, may espesyal na unawaan ang dalawa.

Noong December 2021, isinama rin ni John Lloyd si Isabel sa Christmas party ng Crown Artist Management, ang talent management company na kinabibilangan ni John Lloyd ngayon. Dating Star Magic talent si JLC.

Nagkasama sina John Lloyd at Isabel sa isang group art exhibit noong 2017 kunsaan unang naglabas ang aktor ng mga kuha niyang mga litrato.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isabel Santos (right) posts new photo of rumored boyfriend John Lloyd Cruz (left) on her Instagram account.
PHOTO/S: @somethingstarwars Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results