Watch Now

Janelle Jamer slams bashers of Claudine Barretto

by Arniel C. Serato
Apr 13, 2022
Janelle Jamer defends Claudine Barretto against bashers
Former TV host Janelle Jamer (right) to bashers of best friend Claudine Barretto (left): “Kung May gusto Kayo na iba. Eh Di kampanya nyo ng maayos. Wag Puro bash and negativity.”
PHOTO/S: Courtesy: @janellejamer on Instagram

Binuweltahan ni Janelle Jamer ang pambabatikos na tinamo ng matalik na kaibigang si Claudine Barretto dahil sa hayagan nitong pagsuporta sa kandidatura ng presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Idinawit din ni Claudine ang namayapang boyfriend na si Rico Yan, na sinabi niyang "true blooder Marcos" at BBM admirer daw.

Si Janelle ay dating co-host ng defunct noontime show ng ABS-CBN na Wowowee ni Willie Revillame mula 2005 hanggang 2007.

Nag-trending kahapon, April 12, 2022 ang pagsasabi ni Claudine na ang namayapang nobyo at matinee idol na si Rico ay admirer din ng mga Marcos.

Ayon kay Claudine, noong bandang 2000 ay nakilala nila ni Rico si President Rodrigo Duterte na congressman noon ng Davao City, ang anak nitong si Sara Duterte, at maging si Bongbong Marcos.

Kaya naman natitiyak niyang hinahangaan noon ni Rico ang mga nasabing personalidad.

Ikinuwento rin niyang ang kanyang buong pamilya—maliban sa kapatid na si Marjorie Barretto at mga anak nitong maka-Leni Robredo—ay maka-BBM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang ina raw ni Rico na si Teresita Castro-Yan ay "BBM rin" gaya ng ina ni Claudine na si Inday Barretto.

Nakasaad sa deleted screenshot ng sagot umano ni Claudine sa isang dismayadong tagahanga na nagkomento sa kanyang Instagram post: “It was about year 2000 when we met with President Duterte. In that same year we met Maam Sara & lastly BBM.

“Rico looked up to these people. Our whole family is BBM, only Marjorie and her kids are Leni.

“Tita Sita Yan & I & my Mom BBM rin po. Pls let us respect everybody.

“Stay safe and God bless all of you.”

Inalmahan ito ng maraming netizens.

Bagamat naiintindihan nila kung si Marcos Jr. ang sinusuportahan ni Claudine, bakit kinailangan pa nitong kaladkarin ang matagal nang namayapang si Rico sa kanyang political ambition sa ngayon.

Tumatakbong konsehal sa Olongapo City si Claudine.

Read: Claudine Barretto claims late boyfriend Rico Yan was a "true blooded Marcos," BBM admirer; netizens react

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JANELLE DEFENDS CLAUDINE

Ipinagtanggol naman ni Janelle ang best friend na si Claudine laban sa bashers.

Ayon dito, dapat respetuhin ang karapatan ng ibang magpasya at huwag itong batikusin.

Kung may ibang sinusuportahan ang mga ito taliwas sa napili ni Claudine ay ikampanya na lamang nila ito.

Saad ni Janelle, “Dami nanaman bashers. Hehe dyan naman makikita Kung Paano tayo rumispeto sa kapwa natin at sa karapatan ng bawat isa.

“Di nyo Kailangan manira, Mang-away at mambash. Yan ba ang gusto nyo gayahin ng mga undecided voters? Ang maging mapanira oh maging bastos?

“Kung May gusto Kayo na iba. Eh Di kampanya nyo ng maayos. Wag Puro bash and negativity.”

Ayon pa kay Janelle, hindi na kailangan ng mga negatibong pahayag ngayon dahil marami nang pinagdadaanan ang bansa kaya dapat igalang na lang ang kapasyahan ng iba.

“Kasi sa dami ng Pinagdadaanan ng bansa natin eh Wala ng space para sa negativity. Matuto nlng tayo magrespetohan at iimprove ang mga sarili natin. Wag mapang husga na Akala nyo ang peperfect nyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Janelle Jamer defends Claudine Barretto against bashers

Hindi naman sinagot ni Janelle ang batikos kay Claudine na pagbanggit sa pangalan ni Rico na matagal nang nananahimik.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former TV host Janelle Jamer (right) to bashers of best friend Claudine Barretto (left): “Kung May gusto Kayo na iba. Eh Di kampanya nyo ng maayos. Wag Puro bash and negativity.”
PHOTO/S: Courtesy: @janellejamer on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results