Hindi pa rin nakakaligtaan ni Claudine Barretto na alalahanin ang kaarawan ng dati nitong nobyo at ka-love team na si Rico Yan.
Ngayong araw, March 14, 2022, sana ang ika-47 kaarawan ng dating matinee idol.
Sa kanyang Instagram kagabi, March 13, ay sinalubong na ng pagbati ni Claudine ang kaarawan ni Rico.
Ibinahagi ng aktres ang larawan ng isang cake na may dedication na “HAPPY BIRTHDAY RICO WE LOVE YOU.”
Base rito, nanggaling daw ang cake sa “CLAUDINIANS” at “RYCBFRIENDS.”
Ayon sa aktres, kahit nasa kabilang buhay na ang dating nobyo, patuloy pa rin niya itong alalahanin dahil mahal na mahal daw niya si Rico.
Buong caption ni Claudine, “In a few minutes it’ll be you’re birthday. as you Celebrate in Heaven we Celebrate you here on Earth. may u know that i & the People who luv u will forever luv & Celebrate you. i luv you [smiling face with halo, praying hands emojis]”
View this post on Instagram
Noong November 16, 2021, nagbahagi si Claudine ng diumano’y lumang love letter sa kanya ni Rico noong nabubuhay pa ito.
May petsa itong nakalagay na September 7, 1998.
Mababasa rito (published as is):
“Hunny,
“Just wanted you to know that you are the Best thing that has happened in my life.
“You Are My Life! While i watch you sleep i cant believe your mine.
“Thank You For Being my ROCK!
“and Hunny “YOU ROCK”
“I Love You Very Much
"Hunny.”
READ: Claudine Barretto posts old letter from late ex-boyfriend Rico Yan
Pero duda ang ilang netizens kung sulat ba talaga ito ng yumaong matinee idol.
Iba raw kasi ang penmanship ni Rico base na rin sa mga dating sulat nito na ibinahagi ng aktres sa social media.
Ang ipinagtataka pa ng iba, bakit tila bago raw ang hitsura ng bond paper na ginamit sa sulat na ipinost ni Claudine gayong ang petsa nito ay "09 7 98" (September 7, 1998) o mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas.
READ: Netizens question authenticity of Rico Yan’s old letter to Claudine Barretto; actress reacts
Makalipas ang dalawang araw, binura ni Claudine ang kanyang post tungkol salumang love letter ng dating boyfriend at namayapang matinee idol.
Pumanaw si Rico noong March 29, 2002. Siya ay 27 taong gulang lamang noon.
READ: Rico Yan: Gone too soon
