Watch Now

Erin Ocampo on "third party" tag in Aljur-Kylie breakup: "Hindi ako nainis kasi si Aljur kaibigan ko iyan, e."

by Melba R. Llanera
Apr 18, 2022
Erin Ocampo, Aljur Abrenica
Erin Ocampo on being linked to Aljur Abrenica in 2021: "Hindi ako nainis, hindi rin ako natawa, deadma lang. Kaya nga wala akong sinagot nun, e, kasi, 'Ay, another issue na naman, bahala kayo diyan.'"
PHOTO/S: @erinocampox / @ajabrenica Instagram

Ipinagkibit-balikat na lamang ni Erin Ocampo ang isyu noon na isa siya sa mga itinuturong third party umano sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Siyam na buwan na ang nakalipas nang madawit siya sa kontrobersiya at ito ang unang pagkakataong binasag niya ang pananahimik ukol dito.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erin sa 6th PMPC Invitational Celebrity BadmintonTournament na ginanap sa Powerplay Badminton Center noong April 8, 2022.

Ayon sa dating GirlTrends member, nabigyang-kulay lang ng ibang tao ang pagkakaibigan nila ng aktor.

"Actually, hindi ako nainis kasi si Aljur kaibigan ko iyan, e. Nagba-badminton din kami dati. Hindi ako nainis, hindi rin ako natawa, deadma lang.

"Kaya nga wala akong sinagot nun, e, kasi, 'Ay, another issue na naman, bahala kayo diyan,' parang ganun," sabi ni Erin sa PEP.ph.

Matagal na raw silang walang komunikasyon ni Aljur.

Pero diin ni Erin, naging magkaibigan sila ni Aljur noong hiwalay na ito kay Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Matagal na kaming hindi nag-uusap, two years ago na.

"Hiwalay na sila nung maging magkaibigan kami, as in si Kylie nandun na kay Robin [Padilla], ganun. Kaya nagulat ako after a year, 'Totoo ba?'

"Tapos may boyfriend na ako, ang tagal na nun."

KYLIE AND ALJUR'S BREAKUP IN 2021

Hindi malinaw ang nabanggit na timeline ni Erin nang sabihin niyang "two years ago" sila naging magkaibigan ni Aljur.

Naghiwalay ang mag-asawang Aljur at Kylie noon lamang April 2021, ayon sa salaysay ni Kylie noon tungkol sa petsa ng hiwalayan nila ng mister.

July 8, 2021 nang ibuking ni Robin Padilla sa publiko ang tungkol sa hiwalayang Kylie at Aljur dahil diumano sa isyung third party.

At noong panahong iyon, isa sa mga lumutang na pangalang naugnay kay Aljur ay si Erin Ocampo.

Read: Erin Ocampo idinadawit din sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Agaw-pansin noon ang matalinhagang posts ni Erin na hindi raw ito magpapaapekto sa detractors na sinisira ang kanyang "mood" at "peace"—na hinihinala ng netizens na sagot niya sa pag-uugnay sa kanya kay Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasabay rin ng isyu ay makailang-beses ipinost ni Erin sa Instagram ang pagkakaroon niya ng Nigerian boyfriend.

Read: Erin Ocampo hints she's now in a relationship; posts about blocking negative people

ERIN'S BREAKUP WITH NIGERIAN BOYFRIEND

Sa kabilang banda, marami ang humula na baka ang Nigerian boyfriend niya ang lalakeng maaaring makasama habambuhay ni Erin.

Pero kuwento ng aktres sa PEP.ph, nauwi rin sa breakup ang relasyon nila ng foreigner boyfriend.

"Wala na. Kahit after 2017 yung last relationship ko... Siya yung una ko uling pinost ha, 2021. Magwa-one year dapat.

"May mga misunderstandings, pero yung huli, nahuli ko siya, caught in the act," lahad ni Erin.

Nahuli raw niyang may ibang babae ang nobyo.

"Nahuli ko nakaupo sa kama yung babae, tapos tinatanong ko yung ex ko, 'Nasa'n ka?' Ganyan.

"Sabi niya, 'I'm here in my room.' 'Oh really, I'm here in your room.'

"Sabi niya, 'I told you not to go there,' ganun, ganyan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala na, sinampal ko lang siya, tapos tinadyakan ko tapos umalis na ako," salaysay pa ni Erin.

Pero ayon kay Erin, naka-move on na siya at naka-focus siya sa kanyang showbiz career ngayon.

"Oo naman, matagal na yun. Trabaho tayo, kampanya tayo, o," ani Erin, na ang tinutukoy ay ang upcoming Kapuso prime-time series na Raising Mamay kunsaan kabilang siya sa cast members.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erin Ocampo on being linked to Aljur Abrenica in 2021: "Hindi ako nainis, hindi rin ako natawa, deadma lang. Kaya nga wala akong sinagot nun, e, kasi, 'Ay, another issue na naman, bahala kayo diyan.'"
PHOTO/S: @erinocampox / @ajabrenica Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results