Mariing itinanggi ni Angeline Quinto na pera lamang niya ang habol ng ama ng kanyang anak at kasalukuyang boyfriend na si Nonrev Daquina.
Sa kanyang vlog na lumabas kahapon, May 21, sinagot nina Angeline at Nonrev ang mga akusasyong ito ng ilang netizens.
Sa isang bahagi ng vlog, diretsong tinanong ni Angeline ang boyfriend kung pera lang ba ang habol nito sa kanya.
Ani Angeline, “Nakakatawa kasi itong tanong na ito, e. E, may mga tao talaga na ganyan ang iniisip kay Nonrev.
"So Bhe, pag sinasabi ng iba kasi, kaya mo daw ako jinowa para perahan lang. May mga ganun silang sinasabi.”
Natatawang sagot ni Nonrev, “Ako talaga yung pineperahan dito.”
Sinegundahan naman ito ni Angeline.
Sabi niya, “Para malinaw sa lahat, hindi niyo lang alam, sa totoo lang mga ka-Twinkle [tawag ni Angeline sa kanyang mga fans], hindi ako pineperahan ni Nonrev. Ako yung namemera sa kanya. Totoo ‘to!
“Kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa phone ko. So, every time magkukulang yung pera ko pambayad sa Grab, ganyan-ganyan, sa kanya ako nakikiusap.
“'Tapos, magugulat na lang ako, nakalista lahat. E, sinasabi ko sa kanya na babayaran ko naman talaga yun kasi hinihiram ko talaga.”
Kuwento pa ni Angeline, noong nagdadalantao siya, marami siyang pinaglilihian kaya nakakahiram daw talaga siya ng pera sa boyfriend.
Dagdag pa niya, “Lalo na nung buntis ako, ang dami kong gustong kainin. Ang dami talagang moment na madaling araw, wala talaga akong cash.
“Yung GCash niya, ubos na. So, from bangko niya, magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad, nakakatawa yun.
“So yun, para lang malinaw sa inyo ha? Hindi ako pineperahan nito, ako pa yung namemera sa kanya, sa totoo lang.
“Bigayan naman kaming dalawa. Kapag meron naman siyang gusto at kaya ko namang bilhin, binibigay ko naman. Pero wala namang moments na namemera.
“Wala naman pong ganun. Kung sakaling gawin niya sa akin 'yun, bahala na siya.”
Inamin din ni Nonrev na labinlimang taon pa lang siya ay nakabuntis na siya ng babae. Dalawa ang kanilang naging anak na babae.
Hindi nag-work ang relasyon nila kaya sila naghiwalay, hanggang sa may nakilala siya muli at nagkaanak ulit sila ng babae.
Ang pang-apat na anak niya kay Angeline na si Sylvio Daquina ang nag-iisang lalaki.
Ipinanganak ni Angeline ang kanyang panganay nito lamang April 2022.
