Inihayag ni Nash Aguas ang kanyang excitement at pasasalamat sa muli niyang pagbabalik sa longest-running Kapamilya action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano.
Sa mga nakaraang episode, nagbalik si Nash bilang batang Cardo Dalisay.
Una siyang napanood sa programa noong 2015.
Noong June 25, 2022, nag-post si Nash sa kanyang Instagram account ng ilang outtakes mula sa kanyang mga eksena.
Kasama niya sa mga litrato ang bagong pasok sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Charo Santos-Concio at ang mga actor-directors ng show na sina John Prats at Coco Martin.
Saad ni Nash sa kanyang caption, "7 years ago, I was fortunate enough to play Cardo/Ador and be part of a project that would later cement its legacy as one of the most loved teleseryes in the PH.
“7 years later, though a lot has changed, the passion and heart of this show stayed the same.”
Ikinatutuwa rin daw ni Nash na maka-eksena si Charo at ma-direct nina Coco at John sa kanyang mga eksena.
Dagdag pa niya, “To be working with Ma’am Charo and directed by kuya Coco and kuya Pratty, is definitely one for the books.
“I’m truly honored and forever grateful. [smiley emoji]"
Noong huling bahagi ng 2021 ay pansamantalang nagpahinga si Nash sa pag-arte.
Pinagtuunan niya ng pansin ang kanyang karera sa pulitika matapos siyang tumakbo bilang konsehal ng Cavite.
Pinalad naman si Nash na manalo nitong nakaraang halalan.
Huling napanood si Nash bilang si Apollo sa ABS-CBN inspirational series na Huwag Kang Mangamba, na nagtapos noong September 2021.
Isa rin siya sa mga bida ng prime-time series na A Soldier’s Heart, na ipinalabas noong 2020.
Sa kasulukuyang episodes ng FPJ’s Ang Probinsyano, nagising na si Cardo Dalisay (Coco) matapos siyang maiwang nag-aagaw-buhay sa kalsada nung nagduwelo sila ni Lito (Richard Gutierrez).
Ibinunyag na rin ang koneksiyon ni Cardo kay Ramona, ang karakter ni Charo.
Si Ramona ang nagturo sa batang Cardo (Nash Aguas) kung paano makipaglaban at humawak ng baril.
Sa kanilang muling pagkikita, nangako sila sa isa’t isa na magtutulungan sila upang pabagsakin ang kanilang mga kalaban na sina Renato Hipolito (John Arcilla), Arturo (Tirso Cruz III), at Lily (Lorna Tolentino).
Ayon sa PEP Troika, magtatapos na raw ang FPJ’s Ang Probinsyano ngayong July 2022, dalawang buwan bago magdiwang ang programa ng ika-7 anibersaryo.
Sa Hulyo rin daw bibigyan ng magandang pamamaalam si Lola Flora, ang tumatak na karakter ng yumaong beteranang aktres na si Susan Roces.
READ MORE STORIES:
- Willie Revillame on fake station ID of AMBS: "It was not permitted by AMBS management."
- Ivana Alawi on celebrity crush Sam Milby: "Yes, nahalikan ko na si Sam!"
- Vice Ganda "nasubsob" on It's Showtime stage; netizens touched by Ion Perez's concern
- John Lloyd Cruz, managers meet with GMA TV, movie executives
- Lianne Valentin steamy love scenes with Zoren Legaspi in Apoy Sa Langit reaches 12M views
