Nakuhanan ng video ng Kapamilya actress-TV host na si Kim Chui ang pagyanig na dulot ng lindol ngayong Miyerkules ng umaga, July 27, 2022.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 7.3 sa lalawigan ng Abra na siyang pinakasentro ng lindol.
Naramdaman din sa Metro Manila at karatig-probinsiya ang lakas nito.
Read: Magnitude 7.3 earthquake, lumikha ng malaking pinsala sa Bangued, Abra
Sa Twitter, ibinahagi ni Kim ang kuha niyang video kung saan makikitang tila idinuduyan ang chandeliers sa loob ng kanyang bahay.
Tila nasa maalon daw siyang karagatan dahil sa lakas ng pagyanig na dahilan din ng malakas na pag-alog ng mga ilaw sa chandeliers.
Sa video ay maririnig din ang pagkabalisa at pagkagulat ni Kim.
Aniya, “Hala, ang lakas ng lindol! Oh my gosh! Oh my gosh, I’m scared. OMG!”
Caption ng It's Showtime co-host (published as is), "Eto lang na video ko sa pagka over over ng lindol!!!!!!!!
"Ang tagal and nakakatakot sa lakas ah!!!!! Akala ko nasa dagat ako na sobrang ma alon! I kennot!"
Sa huli ay kinamusta ni Kim ang kanyang mga tagasuporta at itinanong kung naramdaman din ba ng mga ito ang lindol.
Ayon sa mga ulat, maraming mga ari-arian ang nasira dahil sa lakas ng lindol kabilang na ang simbahan sa Ilocos Sur, ang Vigan Cathedral, at ang Bantay Bell Tower sa bayan ng Bantay.
Read: Bantay Bell Tower sa Ilocos Sur, nasira dahil sa malakas na lindol
Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na mag-ingat sa posibleng aftershocks sa mga susunod na oras.
Sa ngayon, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi muna magdedeklara ng state of calamity sa mga lugar na naapektuhan ng lindol, partikular na sa Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR).