Watch Now

Claudine Barretto denies PHP500K monthly allowance from sister Gretchen

by Julie E. Bonifacio
Aug 25, 2022
Claudine Barretto, Gretchen Barretto
Claudine Barretto on issue that she gets big allowance from sister Gretchen Barretto: "And she’s very generous, very, very generous. Pero yung umasa sa kanya, hindi ko po gagawin sa kanya yun... And ayokong abusuhin yung generosity ng ate ko."
PHOTO/S: @claubarretto / @juansarte Instagram

Ibinalita ni Claudine Barretto na okey pa rin ang relasyon nila ng kapatid niyang si Gretchen Barretto.

Pero wala raw katotohanan ang usap-usapang tumatanggap siya ng monthly allowance mula kay Gretchen sa halagang PHP500,000.

"No, hindi totoo. Abuso yun. Abuso naman ‘yon," diin ni Claudine.

Paglilinaw pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Iyan ang misconception ng mga tao. Pero alam mo ang ate ko, napaka-generous.

"Hindi ko ide-deny na there are times talaga na she gives me money, my kids, ganyan.

"Pero sa lahat kasi, sa amin kasi sa buong pamilya, lahat talaga umasa talaga sa ate ko for the longest time.

"And ayokong abusuhin yung generosity ng ate ko."

Hindi raw para iasa niya ang lahat sa kanyang kapatid.

Pahayag pa ni Claudine, "So, ayokong ever na ma-feel niya na palamunin niya ako or ano.

"And also naman po, nakapag-save din naman po ako ng pera.

"And she’s very generous, very, very generous. Pero yung umasa sa kanya, hindi ko po gagawin sa kanya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobra-sobra na yung love niya alone para sa akin is more than she could give me. Ayokong i-take advantage siya."

Binanggit ni Claudine ang partikular na tulong na ibinibigay sa kanya ni Gretchen.

"Pero you know, she pays for insurance ko, oo. Saka yung insurance ng mga anak ko, yung ganoon.

"Malaking bagay yun. Malaking bagay talaga yun para sa akin. So, yun doon."

Hindi naman daw aware si Claudine sa isyu sa online sabong ni Gretchen at ng business partner nitong si Atong Ang.

Sabi ni Claudine, "Actually, hindi ko alam kung ano yung mga ‘yon. Kasi, di ba, nag-ano siya [Gretchen] sa social media?

"Nag-stop muna siya sa kanyang social media kasi siguro she’s very, very busy sa work niya. Busy sa mga trabaho niya. Pero tuloy naman ang communication namin."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Claudine nang dumalo ito bilang isa sa guests sa opening ng Café Saranggola sa Tagaytay City noong July 30, 2022. Ang kaibigan ni Claudine na si Bianca Lapus ang isa sa co-owners ng café.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read more stories:

CIVIL WITH sister MARJORIE

Sa kabilang banda, nilinaw ni Claudine kung ano ang ibig sabihin ng picture nila ni Marjorie na kumalat sa social media pagkatapos mag-Pasko noong 2021.

Inakala ng marami na sign iyon na nagkaaayos na sila ni Marjorie.

Read: Claudine Barretto spotted with estranged sister Marjorie in family reunion; have they reconciled?

Halos tatlong taon na rin ang lumipas mula nang lumikha ng kontrobersiya ang alitan nina Claudine at Marjorie sa burol ng ama nilang si Miguel Barretto.

"Sa bahay ng kuya ko nung Christmas. No, hindi kina Marjorie yun,” paglilinaw ni Claudine sa lugar kung saan nagkita sila ni Marjorie.

Patuloy niya, "Since malaki naman yung pamilya namin, ayun, kaya magkakasama kami.

"Pero hindi naman kami nakakapag-interact naman talaga. So, alam mo yung, for Mom’s sake na lang yung nandoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero hindi naman talaga kami [on] bad terms. Pero hindi rin naman kami [on] good terms.

"Pero I think ngayon, mas may peace. Yung kaya naming magsama in one place na behave.”

Civil lang sila sa isa’t isa?

"Civil, oo," sang-ayon ni Claudine.

"Siyempre, hindi ganoon kadali yun. Pero siyempre, malaking-malaking step yun. Ang maganda noon, naka-one step na kami for Mommy."

Nagkaayos na rin ba sila ng pamangkin niyang si Julia Barretto?

"Nagkikita kami," simpleng tugon ni Claudine.

"Ayun, like pag mga Christmas, ganyan. Parang wala lang nangyari.

"Doon ako mas meron ako interaction sa mga pamangkin ko. Na parang wala lang nangyari, oo.

"So, more than si Marjorie, it’s more yung mga pamangkin na okey naman."

Read: Claudine Barretto reveals scuffle at the wake with sister Marjorie, niece Julia

ON HER MOM'S HEALTH CONDITION

Masaya namang ibinalita ni Claudine na maayos ang lagay ng kalusugan ng kanyang ina na si Inday Barretto sa kabila ng pagkakaroon nito ng sakit na lupus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mabuti naman siya. Pero siyempre, may lupus si Mommy. Eight-six years old na si Mommy kaya medyo talagang... pero malakas pa siya for 86.

"Parang hindi naman may sakit masyado. May mga araw na umaatake yung lupus niya, but she’s coping," sabi niya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto on issue that she gets big allowance from sister Gretchen Barretto: "And she’s very generous, very, very generous. Pero yung umasa sa kanya, hindi ko po gagawin sa kanya yun... And ayokong abusuhin yung generosity ng ate ko."
PHOTO/S: @claubarretto / @juansarte Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results