PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What Zoren Legaspi had to do for Apoy Sa Langit role

It's for his "really, really bad character."
by Rommel Gonzales
Published Aug 26, 2022
Zoren Legaspi and wife Carmina Villarroel
Part of Zoren Legaspi's preparation for his "really bad character" in Apoy Sa Langit is to avoid calling Carmina Villarroel while he's on the set.
PHOTO/S: @zoren_legaspi on Instagram

Tanggap ni Zoren Legaspi na kinamumuhian siya ng mga viewers ngayon.

Marami kasi ang nagme-message sa live streaming ng Apoy Sa Langit, kung saan gumaganap si Zoren bilang ang taksil at nangangaliwang si Cesar.

Sabi ni Zoren sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 22, 2022, sa Zoom presscon para sa finale ng serye, “Well okay, iba kasi, yung audience natin is iba dun sa live messages, yung nakakapag-chat sila kesa kapag nakikita nila ako in person.

“I don’t get offended pag sinasabing bad si Cesar or...Kasi alam mo yung mga Filipino viewers, mix iyan, so akala nila kung ano ka dun, ganun ka sa totoong buhay.

“Pero eventually now they are recognizing na magkaiba kasi kung babasahin mo yung mga chat nila at mga messages nila, you will see na meron naman silang, ‘O salbahe, salbahe’, tapos at the end, meron silang paghanga sa buong cast ng Apoy Sa Langit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nababalanse naman ang galit ng fans kay Cesar sa magagandang sinasabi nila tungkol sa top-rating series ng GMA-7.

Pagtuloy ni Zoren, “You know, ayokong magbuhat ng bangko, pero sinasabi nila maganda yung mga characters dun, nagagampanan nang tama, patindi nang patindi at magagaling na artista.

“Iyon, kasi pag nabasa ng artista yun, it's more than winning an award! Kasi for me, ang award kasi it’s more than the trophy, it’s what the people will think about you, yung mas nakakarami.

“So it’s an overwhelming feeling."

a different zoren

First time din daw ni Zoren na gumanap bilang "really, really bad character," kaya naman sinabihan niya ang kanyang misis na si Carmina Villarroel na kailangan niyang ibuhos ang sarili sa role.

Kuwento ng aktor, “And alam naman ni Carmina na going into this project, sabi ko, ‘Hon, I’m not gonna call you. Hindi ako tatawag sa iyo pag nasa set because I want to concentrate, because gusto ko, meron akong ibigay na bago dito sa show.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And I want them to see a different Zoren Legaspi as an actor."

Kahit na ilang taon na si Zoren sa industriya, gusto niyang ipakita sa fans na mayroon pa rin silang bagong mapapanood sa kanya.

Paglalarawan niya, “Kumbaga, di ba, ang prutas pag naluluma bumubulok, natutuyo? Ang gusto kong makita nila sa akin habang nagiging beterano ako, mas nagiging juicy [ako], mas nagiging sariwa nang pasariwa. So nire-reverse ko yung process ng bunga.

“Iyon po.”

Sabi ng writer na ito, para rin siyang wine na habang tumatagal ay lalong sumasarap.

“Iyan, opo,” ang natatawang reaksyon ni Zoren.

apoy sa langit to end with a bang

Sa September 3, 2022 na ang final episode ng Apoy Sa Langit.

Para kay Zoren, dapat abangan ng audience ang pagwawakas ng kanilang serye.

Pagtitiyak nito, “It’s gonna end with a bang! It’s not just gonna end like, na parang nawala lang yung show, no.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung nag-enjoy sila from the beginning [and] in the middle, mas mag-e-enjoy sila dito sa huli because it’s gonna end with a big bang, fireworks, et cetera."

At kahit na tapos na ang production, sila raw mismong cast ng Apoy Sa Langit ay hirap mag-move on mula sa serye.

“Kaya kaming buong cast hanggang ngayon e hindi pa kami maka-move on, dahil very attached kami hindi lang sa isa’t isa kundi sa show mismo.

“Kung ang mga character namin dito ay may transition, yung personal naming character nagkaroon din ng transition sa loob nung lock-in [taping] namin.

“Gaya ng EP [executive producer] rin namin, hanggang ngayon hindi pa rin maka-move on."

Binanggit pa ni Zoren na naging malapit daw ang cast sa kanilang director na si Laurice Guillen.

“Na-attach kami kay direk. Because si Direk Laurice, she showed us something na hindi niya pinapakita sa mga ibang show. At nakita namin yun sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kahit na may halong lungkot sa pagwawakas ng Apoy Sa Langit, naging masaya naman si Zoren at ang buong cast nito.

“So lahat kami nalulungkot, but we have a great run, it’s a great show, maraming natuwa.”

Bukod kay Zoren ay nasa cast rin ng Apoy Sa Langit sina Lianne Valentine bilang si Stella, Maricel Laxa bilang si Gemma, Mikee Quintos bilang si Ning, Mariz Ricketts bilang si Blessie, Carlos Siguion-Reyna bilang si Edong, Dave Bornea bilang si Tony, Coleen Paz bilang si Patring, Celine Fajardo as Iyah, Patricia Ismael as Lucy, at Mio Maranan bilang si Toto.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Part of Zoren Legaspi's preparation for his "really bad character" in Apoy Sa Langit is to avoid calling Carmina Villarroel while he's on the set.
PHOTO/S: @zoren_legaspi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results