GMA Network debunks report that it is confirming Heart Evangelista-Chiz Escudero "breakup"

by Rachelle Siazon
Sep 8, 2022
Heart Evangelista and Chiz Escudero
GMA Network is not confirming anything about Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero's reported marital problem contrary to Pilipino Star Ngayon's report.
PHOTO/S: Pau Gueverra

Pinabulaanan ng GMA-7 ang balitang maglalabas ang network ng kumpirmasyong hiwalay na sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang art card ng Pilipino Star Ngayon nitong Huwebes ng umaga, September 8, 2022.

Sabi rito: "Ang GMA-7 daw ang maglalabas ng official statement para kumpirmahin ang hiwalayan nina Sen. Chiz Escudero and Heart Evangelista."

Pilipino Star Ngayon Heart Evangelista Chiz Escudero

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit din sa ulat ng online tabloid ang pagiging Kapuso ni Heart, na nasa pangangalaga ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA-7.

Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may official statement nga ang GMA-7 sa napabalitang pinagdadaanan ng mag-asawang Heart at Chiz.

"Not true," sagot ni Angel Javier-Cruz sa balitang kukumpirmahin ng GMA Network na hiwalay na sina Heart at Chiz.

Base ito sa palitan ng mensahe nina Karen Pagsolingan, PEP Executive Editor, at Javier-Cruz, GMA Vice President for Corporate Affairs and Communications.

Wala ring statement ang GMA-7 sa kung anumang naiuulat na isyung mag-asawa nina Heart at Chiz.

HEART DROPS SURNAME FROM IG BIO

Samantala, isang buwan nang usap-usapan sa showbiz kung may pinagdadaanang marital problem sina Heart at Chiz.

Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens nang tanggalin ni Heart ang apelyidong "Escudero" mula sa kanyang Instagram bio.

Kung dati ay nakalagay doon ang buong pangalan niyang Love Marie Ongpauco Escudero, naging Love Marie na lamang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin iyon ng netizens noon pang August 8, 2022.

Bago iyon, noong July 31, 2022, namataan pang magkasama sina Heart at Chiz sa red carpet ng GMA Thanksgiving Gala Night sa Shangri-La BGC, Taguig City.

Pero sinasabing kapansin-pansin ang tila pananamlay sa mata ni Heart at hindi nito gaanong pagngiti sa kabila ng masayang okasyon noon.

REPORTED MARITAL ISSUE

Persistent ang espekulasyon ng netizens hinggil sa estado ng relasyon ng dalawa, lalo na nang ilabas ni Heart ang YouTube vlog niya noong Biyernes, September 2, 2022.

Inamin ni Heart na may pinagdadanaan siyang "personal stuff" na laman ng kanyang isip lately.

Sabi pa niya, "Like, I feel a lot of pressure in my life and, basically now, I am really in a search for just being happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila cryptic ang statement ni Heart nang ilarawan niya na ang nagpapasaya sa kanya ay ang dalawang alagang aso na sina Panda at Shuti, at walang banggit sa mister na si Chiz.

Binigyang-diin pa ng aktres sa vlog ang kahalagahan ng pagkakaroon ng "inner strength," pagiging "independent," at paggawa ng mga bagay na hindi umaasa sa ibang tao.

Hanggang sa sandaling isinusulat ang artikulong ito ay walang pahayag sina Heart at Chiz hinggil sa isyu.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA Network is not confirming anything about Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero's reported marital problem contrary to Pilipino Star Ngayon's report.
PHOTO/S: Pau Gueverra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results