"Taken na si Donny" trends on Twitter after Julia Barretto's "revelation"

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 9, 2022
taken na si donny
Dubbed as the “New Gen Phenomenal Love Team” of the Philippines, Belle Mariano and Donny Pangilinan rose to fame in the hit teen series He’s Into Her. Their DonBelle love team steadily gained traction in the 2021 romantic-comedy Love Is Color Blind.
PHOTO/S: Donny Pangilinan Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang "Taken na si Donny" matapos ang naging pahayag ng aktres na si Julia Barretto na taken na umano ang Kapamilya star na si Donny Pangilinan.

Nitong Huwebes, September 8, 2022, naglaro si Julia sa "Maritest" segment ng TV noontime show na Tropang LOL, kung saan kabilang sa natanong sa kanya ay may kinalaman sa dati niyang nobyo na si Joshua Garcia.

Tanong kay Julia ng host na si Matteo Guidicelli: "Sinong sikat na aktor ang nali-link ngayon sa YouTube content creator na si Bella Racelis — dahil madalas i-like ni aktor ang mga post ni girl?"

Read: Julia Barretto on Joshua Garcia’s rumored romance with Bella Racelis: “Good for the both of them.”

Kabilang sa mga pagpipilian ni Julia ay ang mga aktor na sina Diego Loyzaga, Alden Richards, Donny, at Joshua.

Hindi sigurado si Julia sa kanyang sagot kaya hiningi niya ang pulso ng mga nasa studio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa aktres, malalaman niya ang tamang sagot sa pamamagitan ng reaksiyon ng mga crew ng TV-5 noontime show.

Inisa-isa niyang banggitin ang pangalan na nasa kanyang pagpipilian, ngunit tila may ibinuking si Julia ng kanyang banggitin ang pangalan ni Donny.

Aniya, "Donny? Ay hindi Donny taken na si Donny."

Wala man siyang nabanggit kung sino umano ang kasintahan ng aktor ngunit nag-iwan ito ng kilig at palaisipan sa fans ni Donny na maaaring ang tinutukoy ni Julia ay ang kasalukuyang on-screen partner nitong si Belle Mariano.

Read: Donny Pangilinan, Belle Mariano asked if they see each other as girlfriend and boyfriend material

NETIZENS REACT

Maraming netizens, partikular na ang DonBelle fans ang kinilig at naintriga sa ibinuking ni Julia.

Sa kasalukuyan, nasa top trending topic pa rin sa Twitter ang "Taken na si Donny."

Taken na si Donny trends

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens, kung saan nagpahayag sila ng suporta sa tambalang Donny at Belle.

May ibang nagsasabi na maaaring matagal na ngang may relasyon ang dalawa higit pa sa magka on-screen loveteam ngunit hindi lamang nila ito isinasapubliko.

May iba ring nakumbisi na maaaring totoo ang sinabi ni Julia dahil inamin din ng aktres sa Tropang LOL na "chilhood friend" niya raw si Donny.

Narito ang ilang tweets ng fans:

taken na si donny

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

taken na si donny

taken na si donny

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

taken na si donny

taken na si donny

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

taken na si donny

READ MORE:

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dubbed as the “New Gen Phenomenal Love Team” of the Philippines, Belle Mariano and Donny Pangilinan rose to fame in the hit teen series He’s Into Her. Their DonBelle love team steadily gained traction in the 2021 romantic-comedy Love Is Color Blind.
PHOTO/S: Donny Pangilinan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results