Is Vince Tañada disappointed at Katips star Jerome Ponce for watching Maid In Malacañang?

by Melba R. Llanera
Sep 16, 2022
Vince Tanada and Jerome Ponce
Katips director Vince Tañada (left) on what Jerome Ponce (right) told him after the actor was criticized for watching Maid In Malacañang: "Apologize? Hindi. Ang sabi lang niya, 'Alam ko nasaktan kita dun sa pagpo-post nga ng picture, ganyan-ganyan... Pero di naman siguro mali ang panoorin ko.'"
PHOTO/S: Vince Tanada Facebook / Jerome Ponce Instagram

"Traydor" ang naging bansag ng ilang netizens kay Jerome Ponce nang kumalat sa social media ang larawan niya kasama ang kasintahang si Sachzna Laparan at ina ng aktres na si Christine Laparan Policarpio.

Noong August 15, 2022, nag-post si Mrs. Policarpio sa Facebook ng papuri sa Maid In Malacañang at saka pinasalamatan si Jerome sa pagsama sa kanilang mag-ina sa panonood ng sine.

Kalakip nito ang selfie nila sa poster ng pelikula ng Viva Films na tumatalakay sa mga huling araw ng pamilya Marcos bago sila patalsikin sa Malacañang dahil sa makasaysayang People Power Revolution noong February 1986.

Pinalagan ito ng ilang netizens na dismayado kay Jerome.

Si Jerome ay bida ng Katips, ang period musical drama tungkol sa mga grupo ng student activitists noong panahon ng martial law. Kabilang din sa cast si Sachzna.

Magkasabay na ipinalabas sa mga sinehan ang Katips at Maid In Malacañang.

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Vince Tañada, direktor at producer ng Katips, kung nakaramdam siya ng sama loob kay Jerome dahil sa insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya, "Ang ano ko lang sa kanya, nag-demand ako na makapanood siya uli ng mga screening [ng Katips].

"Ang sinabi lang naman niya, 'E, napanood ko na Direk, e.' Yun lang naman ang sagot niya.

"Pero siguro, kung sasabihin mo na sumama ang loob ko, mas nandun sa nauunawaan ko siya bilang artista.

"Maging ako, sasabihin ko sa inyo, pinanood ko yung Maid In Malacañang. Hindi nga lang ako nag-picture-picture katulad niya.

"Pero pinanood ko din, kasi tama lang naman yun na panoorin natin kasi kasabay nating pelikula. Gusto mo ring tingnan."

Nakapanayam ng PEP.ph si Vince sa presscon para sa world tour ng Katips, na ginanap sa PSF Blackbox Theater sa Manila noong September 7, 2022.

HOT STORIES

WHAT JEROME TOLD DIREK VINCE

Sa presscon proper, nabanggit ni Vince na kinontak siya ni Jerome noong kasagsagan ng isyu.

"Apologize? Hindi. Ang sabi lang niya, 'Alam ko nasaktan kita dun sa pagpo-post nga ng picture, ganyan-ganyan... Pero di naman siguro mali ang panoorin ko.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, 'Ay, oo, di mali na panoorin mo yung Maid In Malacañang.'"

Ano ang masasabi niya sa netizens na binansagang "traydor" si Jerome?

"Ay, nakakalungkot," pakli ni Vince.

"Nakakalungkot din yun kasi, alam mo, si Jerome, parang nakakabatang kapatid ko na iyan. He started with me sa theater namin when he was 15 years old.

"Kung ganun ang tingin sa kanya ng mga tao, sana huwag naman. Nakapag-usap na kami.

"Ang mahalaga lang, sana mas magtagumpay pa siya sa mga susunod niyang decisions.

"Mahalaga ang mga susunod niyang desisyon para makita kung totoo bang nagkaroon siya ng character development pagkatapos ng kanyang mga karanasan dito."

May lumabas na balitang may part two ang Maid In Malacañang, at kukunin umano si Jerome na gumanap ng isang mahalagang papel sa pelikula.

Reaksiyon ni Vince, "Siya ang tatanggap o tatanggi dun kasi hindi naman niya ako manager.

"Kaya nga sinasabi ko sa kanya, kailangan pag-isipan kung apektado ba siya dun sa mga nagalit at nagsabi sa kanya na traydor siya, mag-iisip siya ngayon bale.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero, kung para sa kanya balewala lang ang lahat yun, e, nasa kanya na yun "

Kukunin pa rin ba niya si Jerome sa mga susunod niyang pelikula?

Sagot ni Vince, "Kung may babagay sa kanya kasi, di ba, sabi ko nga, dito siya nagsimula. Lahat iyan, yung mga nagsimula dito na naging artista—sila Vance Larena, siya—without thinking I can get them. Basta babagay, ha?"

ON WORLD TOUR OF KATIPS

Lubos ang saya ni Vince dahil magkakaroon ng world tour ang Katips sa Amerika, Japan, Middle East, at iba pa.

Saad niya, "This is beyond my wildest dream talaga. Nakakatuwa lang na na-recognize, pagkatapos, e, kumita sa takilya. Tapos heto na ngayon may world tour na. Nakakataba ng puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo nga, e, sila naman ang kumontak, sila ang nag-produce, sila ang nag-organize. Siyempre tayo naman, gusto natin na makarating at makalipad ang Katips sa kung saan-saang bansa.

"Para naman yung advocacy natin na makapagturo ukol sa kasaysayan at magturo ng katotohanan, e, nandiyan kaya masaya tayo."

Excited ang director sa U.S. tour dahil minsan na siyang nagtrabaho roon.

"Sa U.S., naging stage manager ako ng New York Cadillac Playhouse. It's a theater in New York.

"I'll be coming back in New York, and siyempre marami akong kaibigan dun, siyempre gusto ko silang makita. Tapos gumagawa na ako ng pelikula, nakakatuwa lang.

"Pangalawa, excited din ako sa mga bansang talagang nilampaso si VP Leni [ng Pinoy voters noong election], katulad ng Middle East, na talagang wala yung boto niya dun, e.

"Katulad din ng Hong Kong, katulad ng Japan. May mga countries na talagang sumadsad siya. Titingnan ko, baka bugbugin tayo, masaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON KATIPS'S TICKET SALES

Sa mga nagsasabing "flop" ang Katips at walang katotohanang pinilahan ito sa takilya, may paliwanag naman dito si Vince.

Aniya, "Common sense naman na kung hindi ka kikita bakit tatlong linggo na kami sa sinehan. Nung nakaraan, nandun pa kami sa sinehan.

"Kung hindi kumita, bakit kinukuha ng iba't ibang bansa? Di ba yung mga nagpa-flop first day, last day sila ipu-pull out sila ng sinehan?

"Kung di talaga kumita, ganun ang nangyari. E, di nga ganun ang nangyari, so baka nga naman kumita."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katips director Vince Tañada (left) on what Jerome Ponce (right) told him after the actor was criticized for watching Maid In Malacañang: "Apologize? Hindi. Ang sabi lang niya, 'Alam ko nasaktan kita dun sa pagpo-post nga ng picture, ganyan-ganyan... Pero di naman siguro mali ang panoorin ko.'"
PHOTO/S: Vince Tanada Facebook / Jerome Ponce Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results