Chie Filomeno on Kyle Echarri: "Alam ko naman kung bakit siya umiiwas."

by Melba R. Llanera
Sep 22, 2022
Chie Filomeno and Kyle Echarri
Chie Filomeno on fellow ex-PBB housemate Kyle Echarri: "Ako, like from time to time talaga, kukumustahin ko siya especially kapag alam kong may pinagdadaanan siya. I'd still be there, I'm still a friend."
PHOTO/S: Sany Chua

Hindi na naibalik ang dating closeness nina Chie Filomeno at Kyle Echarri na nabuo nang magkasama sila sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Ito ay kahit pa nagkasama sila sa iWant series na Beach Bros, na ipinalabas noong Hulyo.

Inulan ng kabi-kabilang pamba-bash ang dalawa, partikular na si Chie, noong identified pa ang singer-actor sa tambalan nila ng kaparehang si Francine Diaz.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kyle noong Mayo, sinisisi nito ang sarili sa pagka-evict ni Chie sa PBB, at nagdesisyon siyang umiwas kay Chie para matigil ang pagpuntirya rito ng netizens.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Chie, hiningan siya ng reaksiyon sa nasabi ni Kyle.

Parehong dumalo sina Kyle at Chie sa Preview Ball noong August 31, 2022.

Sabi ni Chie: "Na-sad ako hearing that now. Alam ko naman kung bakit siya umiiwas and I respect that.

"Pero ayun, medyo naging sad lang. Pero kasi, for me, friendship is more important than anything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako, like from time to time talaga, kukumustahin ko siya especially kapag alam kong may pinagdadaanan siya. I'd still be there, I'm still a friend."

Ayon kay Chie, hindi naman nawala ang pagkakaibigan nila ni Kyle.

"Hindi naman nawala yung friendship, pero siyempre nandun yung ilangan, makikita naman natin kung ano ang mangyayari. Siyempre medyo ilag kami sa isa't isa."

CHIE ON BEING SINGLE

Nang tanungin tungkol sa kanyang love life, sinabi ni Chie na wala siyang boyfriend sa ngayon.

"Wala, kasi choice siya. Ang goal ko is sa family ko muna and to myself. I'm working for my future family.

"I'm not getting any younger. Gusto ko yung next, sure na. I prefer non-showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ito ang lagi kong sinasagot sa mga interviews ko kasi mayroon ako laging bagong matututunan feeling ko pag nasa ibang field."

Visible sa mga ABS-CBN shows si Chie, na napapanood sa ongoing Kapamilya prime-time series na Love In 40 Days.

Labis ang pasasalamat ni Chie sa tiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng home network.

"Sobrang happy kasi patience is a virtue talaga and nakita ng management yun kung gaano ako kasipag. I trust them also."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chie Filomeno on fellow ex-PBB housemate Kyle Echarri: "Ako, like from time to time talaga, kukumustahin ko siya especially kapag alam kong may pinagdadaanan siya. I'd still be there, I'm still a friend."
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results