PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, Zephanie finally meet after "Idol Philippines" issue

Vice Ganda: “Dyusko yung mga tao, ginawan pa kami ng issue ni Zephanie."
by Arniel C. Serato
Published Oct 20, 2022
Vice Ganda, Zephanie Dimaranan reconciliation
It's Showtime host Vice Ganda and Zephanie clarify their misunderstanding with a beso when they met at a birthday party recently.
PHOTO/S: Courtesy: Ogie Diaz on YouTube

All’s well that ends well na ang isyu sa pagitan ng It’s Showtime host na si Vice Ganda at Idol Philippines Season 1 winner na si Zephanie Dimaranan.

Read: Vice Ganda throws shade at Idol Philippines Season 1 winner Zephanie

Nagkita at nagkausap ang dalawa sa birthday party ng talent manager na si Perry Lansigan noong Lunes, October 17, 2022.

Isa rin sa dumalo sa party ang comedian, radio host, at talent manager ding si Ogie Diaz.

Kuwento ni Ogie sa kanyang vlog sa YouTube noong October 18, kausap niya si Vice sa kanilang mesa nang biglang lumapit si Zephanie sa kanila.

Bumeso raw ang singer kay Vice.

Zephanie Dimaranan kisses Vice Ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Vice kay Zephanie, “Nakakaloka yung issue sa ating dalawa.”

Sagot naman ni Zephanie, “Kaya nga po, e. Pero alam ko naman po na anu-ano lang ng mga tao po.”

Dagdag ni Vice, ginawan lang ng isyu ang kanyang statement, na kung susumahin ay in general ang kanyang sinabi sa grand finals ng singing search ng ABS-CBN na Idol Philippines Season 2 noong September 18, 2022.

Sabi pa ng comedian-TV host: “They will always make a big deal out of a very simple thing.”

Sinang-ayunan naman siya ni Zephanie: “Okay lang naman po. We know naman po.”

Muling bumeso si Zephanie kay Vice at sinabihan naman siya ng host-comedian na, “Nice to see you.”

Pagkaalis ni Zephanie, sinabi ni Vice kay Ogie na lahat na lang daw ng kanyang sasabihin ay ginagawan ng isyu.

Saad niya, “Dyusko, yung mga tao, ginawan pa kami ng issue ni Zephanie. Lahat.

"Konting kibot may ibig sabihin na agad sa mga tao. 'Tapos malaking-malaking bagay sa buhay nila.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Giit pa niya tungkol sa singer: “Baby ko 'yan.”

Si Ogie ang dating manager ni Vice.

THE ISSUE

Naging trending topic sa Twitter noon sina Vice at Zephanie dahil sa tila pagpaparinig ng It's Showtime host sa singer sa grand finals ng Idol Philippines Season 2.

Special guest sa show si Vice kung saan nag-perform siya ng kantang "Pearly Shells" at bilang promo na rin para sa nalalapit na pagsisimula noon ng second season ng kanyang game show na Everybody Sing.

Pagkatapos niyang mag-perform, hiningan siya ng host na si Robi Domingo ng mensahe para sa bagong hihiranging Idol Philippines grand winner.

Simula ni Vice, "Sa bagong hihiranging grand Idol winner, sana maraming magbukas na opportunities sa 'yo."

Tumigil sandali si Vice at natatawang dugtong niya, "Sana mag-stay ka muna dito sa network na 'to."

Nakita naman sa camera na parehong nagtakip ng bibig ang Idol Philippines judges na sina Moira dela Torre at Regine Velasquez nang marinig ang sinabi ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maririnig din ang natatawang reaksiyon ng live audience.

Singit naman ni Robi, "Whatever happens, Kapamilya forever."

Seryosong pagpapatuloy ni Vice, "Hindi, sa mananalo at pati sa lahat ng mga sumali at nagsimula na ang kanilang singing career, tapangan ninyo.

"Tapangan ninyo. Kasi, lahat maraming talent, pero hindi lahat matapang kaya bumibigay agad sa napakaraming pagsubok na haharapain ninyo.

"Hindi easy ang showbiz, ha. Hindi ito easy money. Akala nila easy money.

"Ang dami mong isasakripisyo dito at lahat 'yon kailangan may kasamang tapang. Tapangan ninyo."

Wala mang binanggit na pangalan si Vice, mahihinuhang ang pahaging niya ay tungkol sa Idol Philippines Season 1 winner na si Zephanie.

Isa si Vice sa judges ng Season 1 ng reality-based singing competition ng Kapamilya network noong 2019, kasama sina Regie, Moira, at James Reid.

Si Zephanie ang itinanghal na grand Idol winner noong 2019. Pero pagkalipas lamang ng tatlong taon ay lumipat siya sa bakuran ng GMA-7 nitong 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi na siya ngayon ng All-Out Sundays.

Read: Idol Philippines winner Zephanie signs with GMA-7's Sparkle

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime host Vice Ganda and Zephanie clarify their misunderstanding with a beso when they met at a birthday party recently.
PHOTO/S: Courtesy: Ogie Diaz on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results