Nitong Oktubre, napabalita ang napipintong paglipat ni Enrique Gil sa GMA-7.
At ayon sa report ni Cristy Fermin sa radio program nila ni Romel Chika sa Radyo5 92.3 News FM, hindi raw ito matuluy-tuloy dahil sa maraming "demands" ang aktor.
Diumano ay kasama sa hiling ni Enrique ang listahan ng mga gusto niyang makatrabahong direktor, writer, at maging personal assistant sa una niyang magiging proyekto bilang Kapuso.
At ang mga taong ito ay mula sa ABS-CBN, kung saan naging talent si Enrique sa loob ng 14 years.
"Not true," ang unang nasambit ng source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Aniya, "old news" daw ito at ganito rin ang naging report nung napabalitang lilipat si Enrique at ang real-life girlfriend na si Liza Soberano sa GMA-7.
Ayon sa source, "Those were the claims before na parang na-revive ulit."
Pero lilipat nga ba sa GMA-7 si Enrique?
"Posible, kasi ang contract niya sa ABS-CBN ay nag-expire noong September."
Dagdag ng source, "Parang April pa when I heard na it is being considered. But now, parang 'waiting for offer' ang status?"
PEP.ph asked: So inaantay ang next move ng GMA-7 management?
Sagot ng source na malapit sa aktor, "Inaantay ang offer either ng GMA-7 o ABS-CBN."
Basta ang sigurado raw ay tapos na ang kontrata ng 30-year-old actor bilang Kapamilya.
Samantala, ang sabi naman ni Ogie Diaz, dating manager ni Liza, ay pipirma si Quen (palayaw ni Enrique) sa network kung saan pipirma si Liza.
Sa Showbiz Update vlog ni Ogie sa YouTube, aniya, "...ready siya for pitching. Yung pitching na sinasabi ay mag-offer kayo sa akin kung ano yung puwedeng teleserye o pelikula na gagawin ko kung magustuhan ko, okay ako at payag ako, Go! Pag hindi niya gusto hanap ulit ng story line para i-pitch sa kanya.
“Ang alam ko ayaw muna ni Quen na pumirma kahit saang network parang feeling ko, kung saan pipirma si Liza Soberano, doon siya pipirma. Kung pipirma si Liza, ha?"
Sabi ni Mama Loi na co-host ni Ogie sa vlog, "E, paano yun, Nay [Ogie], si Liza, doon pumirma sa U.S.? So, mag-U.S. na rin kaya si Quen?”
Sagot ni Ogie, “Hintayin natin Loi kasi ang alam ko nasa U.S. si Enrique, yun ang alam ko, ha. Parang paborito na nila ni Liza yung Hawaii, e."
At parang mas gusto raw ng dalawa na maging "freelance" na muna.
Sa pagpapatuloy ng dating manager ni Liza, “Iyan ang hindi natin alam. Pero for now, hindi pa ready pumirma si Quen kahit saang network, ganun din si Liza. Parang gusto nila per project basis. Freelance."
Nakilala ang tambalang LizQuen, pinagsamang pangalan ni Liza at Quen, noong 2014 sa seryeng Forevermore.
Matapos nito ay nagbida sila sa tatlo pang serye—Dolce Amore (2016), Bagani (2018), at sa hindi natapos na Make It With You (2020).
Ang LizQuen ay namayagpag din sa pelikula—Just The Way You Are (2015), Everyday I Love You (2015), My Ex and Whys (2017), at Alone/Together (2019).