Malalim na ang inabot ng tampuhan ng mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann.
Kahapon, November 3, 2022 napansin ng mapanuring mata ng netizens na in-unfollow na nila ang isa’t isa sa Instagram.


Kasunod ito ng pagsasapubliko ni Jaclyn na hindi siya binati ng panganay na anak sa kanyang kaarawan.
Nagdiwang si Jaclyn ng kanyang 58th birthday nitong nakaraang October 21.
Read: Jaclyn Jose alludes to tampuhan with daughter Andi Eigenmann
Sa Instagram post ni Jaclyn noong November 1, ibinahagi niya ang larawan kasama ang bunsong anak na si Gwen Guck na kuha sa isang restaurant.
Ayon sa beteranang aktres, masaya siya sa kanyang late birthday celebration dahil sinamahan siya ni Gwen.
Ikinatuwa rin daw ni Jaclyn ang pagbati sa kanya ng apo niyang si Ellie Eigenmann.
Si Gwen ay anak ng award-winning actress sa ex-partner na si Kenneth Ilagan, guitarist ng '90s band na The Dawn.
Si Andi ay anak ni Jaclyn sa yumaong aktor na si Mark Gil.
Si Ellie ay anak ni Andi sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.
Dagdag pa ni Jaclyn, maging ang kasalukuyang partner ni Andi na si Philmar Alipayo ay nakalimutan din siyang batiin.
Saad niya sa comments section ng kanyang post: “Philmar din d bumati, you are the father of my grand children… ok lang no big de[a]l…pero? D ba?”

Marahil ay nakarating kay Andi ang post ng ina dahil may cryptic message ito sa kanyang Instagram Story tungkol sa “narcissistic parent.”
Nakasulat sa caption: "This is what its like to be raised by a narcissistic parent."

Noong September 2, 2022, lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang eksklusibong panayam kay Jaclyn kung saan naging sentimental ito pagdating sa kanyang buhay bilang single parent.
Kusunod ito ng nakakagulat na anunsiyo niyang magreretiro na siya sa showbiz.
Read: Cannes-winning actress Jaclyn Jose announces she's "retiring" from acting
Paliwanag ni Jaclyn sa PEP.ph, tinamaan siya ng matinding kalungkutan dahil sa kanyang pag-iisa.
Parang balewala raw kasi ang mga sakripisyo niya sa mga anak at nangungulila na siya sa kalinga ng mga ito.
Malayo sa kanyang piling ang dalawang anak dahil si Gwen ay nakabase sa Amerika, at si Andi, na tila madalang din niyang makita, ay nakatira sa Siargao kasama si Philmar at ang kanilang mga anak.
