Mas lalo pang dumausdos pababa ang Instagram followers ng Miss Grand International.
Mula 6.5 million followers noong October 25, 2022, mayroon na lamang itong 4.1 million followers, as of November 4, 2022.
Kung susumahin, 2.4 million followers na ang nalagas sa kanilang Instagram account pagkatapos ng grand finale ng Miss Grand International 2022.
Read: Miss Grand International loses almost 2 million followers on Instagram after grand coronation
Nagsanga-sanga na ang kontrobersiyang kinahaharap ng Thailand-based beauty pageant.
Base sa mga komento sa isang pageant account noon, mga Vietnamese ang bultuhang nag-unfollow sa Instagram account ng MGI matapos hindi makapasok sa Top 10 si Miss Grand Vietnam Doan Thien An.
Kinumpirma naman ito ni Miss Grand International founder at president Nawat Itsaragrisil.
Noong October 26, inamin ni Nawat na marami ang nawalang Instagram followers ng Miss Grand International.
Natuklasan din daw niyang puro Vietnamese ang nag-unfollow.
Saad niya sa kanyang Instagram Story: "I did check MGI Instagram already all unfollowed are Vietnam. Thanks for unfollow [Vietnam flag emoji] We always respect and fair to everyone and every countries."
Bukod pa rito, binatikos din ng netizens ang tila pangmamaliit ng MGI sa Miss Universe (MU), na itinuturing na pinakaprestihiyosong international beauty pageant.
Read: Miss Grand International gets bashed for mocking Miss Universe; loses about 2.2M Instagram followers
Mas lalo pang pinag-usapan ang pageant dahil sa pagre-resign ni Miss Grand International 2022 fifth runner-up Miss Grand Mauritius Yuvna Rinishta noong October 28, 2022.
Hindi raw kasi naka-align ang mga paniniwala ni Yuvna sa pakikitungo ng Miss Grand International sa Miss Grand Mauiritius at sa iba pang organisasyon.
Read: Yuvna Rinishta of Mauritius resigns as Miss Grand International 2022 5th runner-up
Dahil dito, itinalaga ang pambato ng Pilipinas na si Roberta Tamondong bilang isa sa limang fifth runners-up ng nasabing pageant.
Nitong Linggo, October 30, 2022, ibinahagi ng Miss Grand International sa kanilang social media accounts ang official announcement ng pagiging fifth runner-up ni Roberta.
Nakasaad sa post: "Miss Grand International Organization would like to announce the appointment of Roberta Angela Tamondong, Miss Grand Philippines 2022 as the new 5th runner-up of Miss Grand International 2022.
"She will be a part of the Top10 and will continue her mission with the MGI team for a year. Congratulations and welcome to the #GRAND family. [heart emoji]"
Read: Roberta Tamondong announced 5th runner-up at Miss Grand International 2022
Sa ngayon, nasa Thailand na si Roberta upang gampanan ang kanyang tungkulin.
Read: Roberta Tamondong officially accepts appointment as Miss Grand International 2022 5th runner-up
Samantala, mukhang deadma lang ang Miss Grand International Organization sa pangyayari dahil patuloy sila sa kanilang mga activities sa Thailand.