Pinagpiyestahan ng netizens ang bagong post ng Vivamax sexy star na si Debbie Garcia sa Instagram kahapon, November 13, 2022.
Ibinahagi ni Debbie ang ilang larawan at videos ng kanyangtarget-shooting practice,
Base rito, masasabing pursigido siyang matuto sa paghawak ng baril at umasinta ng target.
Ang caption niya ay tanging open lock emoji.
View this post on Instagram
Ayon naman sa ilang netizens, tila may pinaghahandaan ang aktres.
May nag-tag pa mismo sa account ni Barbie Imperial, na naiulat nitong nakaraan na nanakit kay Barbie.
Narito ang ilang komento ng netizens:





Noong nakaraang November 1, pumutok ang balitang nagpa-blotter si Debbie sa pulisya dahil sa diumano’y pangangalmot at pananakit na ginawa ni Barbie sa kanya.
Nangyari ang insidente sa Tipsy Pig Gastropub bandang ala-una ng madaling-araw, noong October 28, 2022 .
Agad nagsadya si Debbie sa Quezon City Police Station sa Kamuning, Quezon City para ipa-blotter ang sinapit umano niya sa mga kamay ni Barbie.
Read: Vivamax star Debbie Garcia, ipina-blotter ang pananakit umano sa kanya ni Barbie Imperial
November 2, 2022 naman ay pormal nang nagsampa si Debbie ng reklamong light physical injury, grave oral defamation, at grave slander by deed laban kay Barbie sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Read: Debbie Garcia files multiple complaints against Barbie Imperial
May mga haka-hakang paninibugho umano ang ugat ng pangangalmot ni Barbie kay Debbie.
Pinagselosan umano ni Barbie si Debbie noong magkarelasyon pa ang Kapamilya actress at ang kanyang ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.
Nagkasama sina Diego at Debbie sa Vivamax movie na The Wife na ginawa nila noong December 2021.
Ito rin ang buwan na tinapos nina Barbie at Diego ang kanilang relasyon.
Read: Diego Loyzaga finally breaks silence about breakup with Barbie Imperial
Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Barbie tungkol sa insidente.
