Medyo nabuhayan ng loob kahit papaano ang mga tagahanga ni Angel Locsin dahil sa latest post ng kanyang verified Facebook account.
Ngayong hapon ng Miyerkules, November 16, 2022, nagbahagi ang Team Angel PH ng larawan ni Angel kasama ang asawa nitong si Neil Arce.
Nakalagay sa caption: “Happy midweek! Spread love. [Team Angel PH]”
Malinaw sa post na administrator lang ng Facebook page niya ang nag-share nito.
Kung susuriing mabuti, luma na ang larawang ginamit.
Kuha pa ito sa taping ng defunct show ng aktres sa ABS-CBN na Iba ‘Yan kung saan si Neil din ang tumayong direktor.
Na-post ito ni Neil sa kanyang Instagram noong September 2020 o may lagpas dalawang taon na ang nakararaan.
View this post on Instagram
Sa ngayon, hindi pa rin nagpaparamdam si Angel sa kanyang social media accounts partikular na sa Instagram.
Ang huling post ng aktres ay noon pang August 13, 2022 o tatlong buwan na ang nakalilipas.
Noong unang linggo ng Nobyembre, tinanong na ng mga tagahanga at netizens kung nasaan ngayon si Angel matapos ang pananahimik nito ng ilang buwan sa kanyang social media.
Bago pa nito, masipag na nagpu-post si Angel sa kanyang Instagram.
Napagdiskitahan na nga nila si Neil at doon sila naglabas ng hinaing tungkol sa kanilang idolo.
Bukod sa na-miss ng fans si Angel, hinanap din nila ang aktres matapos manalasa ang Bagyong Paeng sa bansa nitong October 29.
Kilala kasing matulungin at mabilis kumilos ang actress-philantropist tuwing may kalamidad o maging nitong pandemya.
Read: Netizens ask: Where is Angel Locsin?
Samantala, nagbigay naman ng pahiwatig si Dimples Romana kung ano ang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng kanyang matalik na kaibigan na si Angel.
Aniya, “Lahat naman tayo, di ba, meron tayong mga moments, of course, you know, we want to… paano ba?
“Ako kasi, may mga moments akong ganyan, e, sa pamilya ko, na I just want to be able to focus on my family first, all my loved ones.
“And I think Gel naman super earned that kind that of ano, ‘no…
“Kasi we’ve seen her and she has been non-stop working ever since.”
Tiwala rin daw si Dimples na alam ng kaibigang si Angel kung ano ang mas makabubuti sa kanya at sa mga mahal niya sa buhay.
Nalalapit na ang birthday ni Dimples at umaasa siyang makaririnig mula kay Angel.
Read: Dimples Romana sheds light on Angel Locsin’s absence: “Ibigay na natin sa kanya.”
